KAHALAGAHAN NG PAGTUTURO NG TULA SA MGA MAG-AARAL

Isa sa uri nang panitikan ay ang Tula. Ito ay isang kaisipan na naglalarawan ng damdamin, karanasan,  hangarin. Nangangailangan ng maingat na pagpili ng mga gagamiting salita upang mabuo ang tula, upang lalo pang maipabatid ang anumang hangarin o damdamin.                      Nailalarawan sa tula ang mga pangyayari sa buhay, nangyayari man o kathang-isip lamang. Kailangan…


Isa sa uri nang panitikan ay ang Tula. Ito ay isang kaisipan na naglalarawan ng damdamin, karanasan,  hangarin. Nangangailangan ng maingat na pagpili ng mga gagamiting salita upang mabuo ang tula, upang lalo pang maipabatid ang anumang hangarin o damdamin.

                     Nailalarawan sa tula ang mga pangyayari sa buhay, nangyayari man o kathang-isip lamang. Kailangan gamitan ito nang akmang o tumpak na mga salita at larawang diwa upang mailarawan ang tunay na nadarama.

                     Sa kasalukuyan ay tila nawawala na ang sukat at tugma ng tula, Mas marami ang gumagamit ng malayang taludturan. Tila nakalulungkot isipin na sa kasulukuyan , ay tila kumakaunti na ang mga mag-aaral na mahilig masulat ng tula. Bagamat may mga nagtatangkang sumulat ng Spoken Poetry –nakahihiligang isulat ng mga kabataan sa kasulukuyan. Ito ay pormang tula din, na nagsasaad din nangkanilang “mga hugot” mula sa ibat-ibang kuwento nang kanilang buhay.

                    Hindi dapat kalimutan ng mga guro na sa pamamagitan ng pagtuturo ng tula, nasasanay ang mga bata upang gumamit ng mga malalalim na kaisipan o makabuluhang diwa na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng matalinong kaisipan, at sa paggamit ng angkop at marikit na salita ang mga bata ay nasasanay upang maging malikhain.

                    Pagkatapos maituro ang kahalagahan ng tula at ang paggaawa nito ay naiilinang din ang pangkaisipan (cognitive), pandamdamin (affective) at kilos o (psychomotor).

Sanggunian:

Ortiz,A. Pagtalakay sa tula , (2009)

 

By: Rochelle G. Paguio | Teacher I-Filipino Department | BNHS | Balanga City, Bataan