Paano natin masasabi na maunlad ang isang bansa?
Napakaraming dahilan o aspeto na dapat natin tignan upang masabi nating maunlad ang isang bansa. Bagamat ang lahat ng bagay na ito ay nasasawalang bahala nang karamihan sa ating mga Pilipino. Kauna-unahang dahilan na rito ay ang korapsyon. Korapsyon na kagagawan ng mga may matatataas na katungkulan sa ating bansa. Mga lider na niluklok ng mamamayang Pilipino upang maglingkod sa kanilang nasasakupan o bawat indibidwal. Ngunit bakit nga ba nangyayari ang ganitong krimen? Ito ay dahil sa mga taong lubos na naghahangad ng mga bagay sa mundo. Hindi iniisip kung ano ang makasasama o makabubuti sa bawat isa. Pinipili ang pansariling interes kaysa interes ng nakararami. Nabubulag sa kaban ng yaman na higit na kailangan ng mga mamamayan.
Dahilan nito, ang mga Pilipino ay nakararanas ng tinatawag nating kahirapan.Kahirapan na lubos na nararanasasan ng mga taong walang kakayahang iangat ang kanilang sariling pamumuhay. Sa madaling salita, mga kababayan natin na mahirap na lalong pang pinahihirap. Mga kababayan nating umaasa sa mga pinunong kanilang nilulok sa mataas na posisyon. Umaasa na may mga taong tutulong at magbibigay ng hanapbuhay. Mapaunlad lamang ang kanilang pamumuhay. Mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. Mapag-aral sa isang magandang paaralan upang masabing edukado.
Korapsyon! Kahirapan! Mga salitang nakadikit na sa ating mga Pinoy… Mga katagang dahilan ng hindi pag-unlad ng ekonomiya ng bansang Pilipinas. Mga salitang labis nating kinakatakutan. Iniisip kung paano tayo mgakakalaya sa ganitong klaseng sitwasyon. Iniisip kung paano at ano ang magiging posibeng solusyon sa ganito kalaking problema. Ngunit kung ating pakahihimayin, ang isa magandang solusyon dito ay tayo. Tayong mga Pilipino. Unahin ang pagpili ng isang mahusay at matalinong pinuno, na magsisilbing gabay at lider natin. Pangalawa, tayo mismo, mga Pilipino na nsasakupan ng bansang Pilipinas. Isa rin tayo sa mga dahilan bakit walang pag-unlad ang ating bansa. Matuto tayong sumunod sa mga batas at patakaran na pinapatupad. Maging responsible tayong mamayan . Ang lahat ng ito posibeng maging solusyon natin. Bilang isang maunlad at payapang bansa. Ang mamuhay ng matiwasay sa ating bansang sinilngan. Para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon .
By: Angelica V. Tabungar