Ano po ba ang ibig sabihin ng kayamanan para sa inyo?, Ano ang unang pumapasok sa isip ninyo kapag nadinig ninyo ang salitang ito, pera, luho, material na bagay? At iba pa…
Kung ganon po ay sa tingin ko ay nagkakamali po kayo dahil ito ay isang bagay na nagbibigay lamang ng panandaliang kaligayahan.
Kung ako po ang tatanungin ninyo ay ang isa sa pinakamahalagang kayamanan ay ang pamilya, ang pamilya po kasi ang kaunaunahang magmamahal sa iyo, tutulungan nila kayo hanggang sa huli at sila ang gaganap ng pinakaimportanteng papel sa buhay ninyo.
Edukasyon ang magbibigay daan upang magkaintindihan ang mga tao, bibigyan ka ng mga magulang mo nito upang paglaki mo ay maging isa kang mabuting mamamayan at sa paglaki mo ay ikaw naman ang tutulong sa iba at mag tataguyod ng sarili mong pamilya.
Ang buhay po siguro ang pinakamagandang ipinag kaloob ng diyos sa mga tao dahil binigyan niya ng pagkakataon na magsaya, makagawa ng sarili mong istorya, ang bawat kabanata ng buhay mo ay binubuo ng ibat ibang konsepto na sa iyo kung papaano mo gagamitin ang buhay na ipinagkaloob sa iyo pero sana ay huwag kang makalimot sa diyos.
Dadating ang panahon na aangat ka magkakaroon ng magandang buhay, yumaman at magkaroon ng mataas na estado sa buhay pero sana huwag mong kalimutan, ang mga taong tumulong at nagpakahirap upang makamit mo ang kinatatayuan mo at huwag mo ring kalimutan na magdasal at magpasalamat sa mga biyayang natamo mo, tumulong ka sa nangangailangan bilang sukli sa kabaitan ng mga taong nasa paligid mo.
By: PURITA V. QUILIT ADMINISTRATIVE ASSISTANT III DEPED HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL