Kakaibang guro ang tawag sa akin,
Minsan baliw-baliwan din,
Pero iyan ang aking lihim,
Na pilit kinikimkim.
Paano nga ba makakasabay?,
Sa agos ng buhay,
Mga millennials na estudyante,
Paano sa buhay nila ay magiging parte.
Nakuha ang kiliti at halakhak,
Ng mga batang galak na galak,
Sa mga pakulo at patawa,
Pero ang totoong pakay ay matuto sila.
Hindi sukat namalayan,
Na sa kabila ng tawa at kabaliwan,
Ay may aral ding natutunan,
Na hindi kayang kunin nino man.
Sa klase dapat ikaw ay artista,
Na magaling umarte tuwi-tuwi na,
Aba’y kung hindi matakot na,
Baka mag-aaral mo ikaw ay iwan nila.
Kaya araw-araw ikaw ay dapat nakahanda,
Ng mga pakulong bentang-benta sa madla,
At pagkatapos ng tawa at saya,
Maaring pagsusulit ay ibigay na.
By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School