May mga bagay na aking napuna,
Na maihahalintulad sa lahat na,
Mga estudyante ngayon at noon nga,
Tila totoong may malaking pag kakaibanga.
Noon takot lumiban sa klase ninu man,
Sapagkat ikaw ay tiyak na kagagalitan,
Mga puntos na iyong dapat matutuhan,
Mula sa iyong guro at tanggulan.
Pangalawang –ina na dapat iginagalang,
Binibigyan ng sapat na pagkilala,
Mga birong hindi kaaya-aya,
Bawal bitawan basta-basta.
Ilang taon lumipas nasaan na ng aba?
Ang takot at pag-aalinlangan na di basta-basta,
Nakakatakot para-para,
Marinig ang pagsagot na pabalang sa mestra.
Wag sanang tuluyan mabago ang mga kabataan,
Dahil sila ang susunod sa linya,
Respeto at paggalang manatili sana,
Upang ang mga kabataan ang siyang tunay na pag-asa.
By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School