KALINISAN : Nasaan ka !

  Pundasyon ng Pagiging Tao, Pamilya, Mga Kasama sa bahay. Sabi nga sa kasabihan ng matatanda : “ Makikilala mo ang isang tao sa paraan ng kanyang kilos o gawi”. Napakalalim  na mga kataga. Ano nga ba ang nais nitong ipahiwatig sa atin ? Saan at ano ang nais na ihatid sa atin ng mga…


 

Pundasyon ng Pagiging Tao, Pamilya, Mga Kasama sa bahay. Sabi nga sa kasabihan ng matatanda : “ Makikilala mo ang isang tao sa paraan ng kanyang kilos o gawi”. Napakalalim  na mga kataga. Ano nga ba ang nais nitong ipahiwatig sa atin ? Saan at ano ang nais na ihatid sa atin ng mga ganitong  kataga? Sa paanong paraan natin ito maipakikita ? sa kilos ba ? Sa salita ba ? o  sa gawa? Oo kay daming kasagutan na mahirap bigyan ng tamang  kasagutan . lalo at higit ang mga kabataan ngayon ay mas iniidolo ang mga makabagong paraan ng pag-tanggap ng tama at mali.

Tayo ang dapat gagabay sa kanila kung paano sila haharap sa mga hamon ng makabagong henerasyon ngayon.Paano ba masasabing tama ang isang mali? Paano ba masasabing mali ang isang tama? Diba ang hirap ijustify ang mga ganitong katanungan nangangailangan ng mahaba- habang paliwanagan. Isang simpleng tanong sa atin ng bata “ Paano ako ginawa? Diba dapat sagutin natin ito ng tumpak.Ang ating ginagawa ililihis natin ito hindi natin ito masagot ng tama. Tayo narin ang nagbibigay ng maling  sagot sa kanilang mga tanong . Kaya sila ay lumalaking lihis sa dapat na kalakhan nila. Sa simpleng tanong , mali ang sagot, paano pa natin maituturo sa kanila ang tuwid na landas na dapat nilang tahakin yung kasabihang “ Ang maliit na basura  ibulsa na muna” kahit sa paaralan ito ay itinuturo, bakit tayong mga matatanda ang hindi makasunod sa simpleng panawagan na ito… matibay na ibedensya ang patalastas ng isang komersyal  .. “Itinapon ng matanda  ang pinagkainan niya sa bintana ng kanilang sasakyan habang nakatingin ang kanyang maliit na anak”. Sa inyong palagay paano pa niya ito maitutuwid sa utak ng kanyang anak kung mismong siyang matanda  hindi alam ang konsepto ng pagiging malinis sa isip at sa gawa. Kapag tayo ay naging malinis sa paraang tumpak at tuwid ito ay maghahatid sa atin ng kasaganaan at kalinisan sa lahat n gating gagawin ,iisipin, at tatahakin!

 Sariling pananaw ni :

EDIESA P.MENDOZA Teacher II Bataan National high School @ 2019

 

 

 

 

 

 

 

 

By: Ediesa P. Mendoza | Teacher II Bataan National High School | Balanga, Bataan