KATOTOHANAN SA LIKOD NG MARTIAL LAW

Matapos tumakbo ni Senator Bong Bong Marcos bilang Bise Prisendente ng bansa. Lumabas ang iba’t ibang espikulasyon kaugnay sa kanilang mga nakaraan, higit sa lahat nagadaang 30 taon na tinatawag nating Martial Law. Dahil naging dikit ang labanan , nariyan ang kabi-kabilang mga plataporma at maging paninira sa bawat liderato. Isa sa lumabas na balita…


Matapos tumakbo ni Senator Bong Bong Marcos bilang Bise Prisendente ng bansa. Lumabas ang iba’t ibang espikulasyon kaugnay sa kanilang mga nakaraan, higit sa lahat nagadaang 30 taon na tinatawag nating Martial Law. Dahil naging dikit ang labanan , nariyan ang kabi-kabilang mga plataporma at maging paninira sa bawat liderato.

Isa sa lumabas na balita ay ang katotohanan sa likod ng Martial Law sa pamumuno ng dating Presidente na si Ferdinand Marcos. Maraming nagsasabi na ito ay isang magandang batas sapagkat naging disiplinado ang mga Pilipino sa ilalim ng kanyang pamumuno. Lumabas din ang isang usapan na kung saan si Senator Ninoy Aquino ay isa sa mga naging susi upang mapatalsik si Marcos sa kanyang panunungkulan. Inihain ang sariling buhay upang magising sa katotohan ang mga Pilipino. Ngunit, sa kabila nang ginawa ni Ninoy Aquino, sinasabing ito ay palabas lamang.

Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino ay planado na umano ng kanyang kampo. Upang palabasin na ang lahat ng nangyari sa kanya ay isisi kay Marcos. Kaya’t lumipas ang mahabang panahon na naging masama ang tingin ng karamihan sa mga mamayang Pilipno sa pamilyang Marcos . Ngunit dahil sa maraming palabas o video ang nagkalat sa social media, masasabi ba natin na ang kasaysayan ang maaring mabago at mapalabas ang katotohan. Marapat lamang na ito ay masusing pag-aralan upang maibigay at masabi ang katotohan sa ilalim ng panahon ni Marcos at ang lihim ng  Martial Law.

By: Angelica V. Tabungar