Paggising sa umaga
Aking makikita
Alas syete na pala!
Siyempre pagdating ko late na ako
Bwisit na yan sampung piso kada minute
Pagdating ng kainan ang mga langaw ay nagliliparan
Kaliwa’t kanan makikita ang hingian
Bago makaakyat ng hagdan
Sa gilid ay mamamasdan
Mga adik na saga dang katuwaan
Sabi ni Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan
Pero ang katotohanan
Ang ibang kabataan ay salot sa lipunan
Pagdating ng mga exam
Andaming nagkokopyahan
Pero ang ibang guro echos na lang
Bakit ganito ang mga bata ngayon
Isama mo na ang ibang mga guro
Pinaiiral ang katamaran
Kaya ang bansa ay nanatiling marahan
Pero ano bang magagawa ko
Kontento na sila sa ikot ng mundo
Kaya masasabi ko
Keme-keme na lang!
By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan