Marami ang nagsasabi na mga researchers sa resulta ng kanilang pananaliksik na mahalagang malaman ng mga guro ang kanilang sariling teaching styles upang malaman kung ito ay may kinalaman sa performans ng mga bata sa kanilang subject na itinuturo.
Ano ba ang ibig sabihin ng teaching styles ng mga guro? Ang teaching style, alam man o hindi ng guro ay siyang ipinapakitang istilo ng pagtuturo sa mga mag-aaral’
May iba’t-ibang uri din ng mga istilong ito ng mga guro ayon sa mga pananaliksik:
- Delegator– Ang mga gurong ito ay malaki ang tiwala sa mga mag-aaralna magagawa nila ang mga iniatas na mga proyekto, gawain, takdang-aralin. Ang gurong ito ay ay nag-aatas ng mga gawain sa bawat pangkat man o sa bawat mag-aaral at babalik sa silid-aralan na mga handing-handa na ayon sa inaasahan ng guro.
- Expert– ang istilong ito ay nagpapamalas ng kasanayan at kagalingan ng isang guro, na bunga ng kanyang mahabang taon ng pagtuturo. Tiwala ang mga bata sa kanyang itinuturo o sinasabi batay sa mga gawi at kilos ng kanilang guro.
- Facilitator– Ang istilong ito ng ay nagpapakita ng pagkamatiyaga ng isang guro sa pag-alalay sa mga bata upang lalo nilang maunawaan ang kanilang aralin. Naghahanap ang guro ng mga paraan sa istilong ito upang lalo pang mapagaan at maunawaan ng mga bata
- Authoritative– sa istilong ito ay ipinahihiwatig ng guro na sapat o higit pa ang kanyang kaalaman sa bawat paksang tinatalakay. Ipinagpapalagay niya na siya ay may masteri sa mga paksa at ang mga bata ay dapat making at lumahok sa talakayan bilang pagtalima sa kanyang mga kautusan.Dahil dito ang mga bata ay nagpapakita ng positive feedbacks sa kanilang mga kaalaman, kilos at mga gawi.
- Permissive- ang istilo ito ng mga guro ay nagpapakita ng kalayaan ng mga mag-aaral na sumubok ng mga paraan upang magawa nila ang kanilang istilo sa pag-aaral na pinapayagan naman ng guro na may ganitong istilo.
ang paksang tinatalaky. Pinadadali ng guro ang istilo sa pagpapaliwanag upang lalo pang makilahok ang mga bata sa talakayan.
Kung ikaw ay isang guro na naniniwala na may epekto ang iyong istilo sa pagtuturo, bakit hindi panatilihin ang istilong ito, at kung patuloy na hindi umaangat ang performans ng iyong mga tinuturuan sa kabila ng mga pagsisikap mo, bakit do mo pagtuunan ng pansin ang iyong sariling istilo sa pagtuturo. Malay mo, baka kailangan mo ng magbago ng teaching style.
Ang sabi ni Henry Tenedero, may akda ng aklat na Breaking The IQ Myth, “Ang istilo sa pagkatuto ng isang bata ay ang mga paraan na kung saan ay nagagawa niyang mapanatili ang kanyang mga kaalaman.”
Ayon naman sa Dunin and Dunn Learning Styles Models, ang mga batang mag-aaral ay may taglay na mga katangian na madaling makaakma sa kanyang kapaligiran. Karamihan sa kanila ay may kanya-kanyang istilo ng pagkatuto at ito ay naiiba sa karamihan.
Sanggunian:
Tenedero, H. Breaking the IQ Myth. Henyo Publications Manila (1998)
By: Lilian L. dela Rosa | Teacher III | Samal National High School | Samal, Bataan