MAYROONG TUMULAK! (Part 2) “God is good”

Naaalala ko tuloy yung panahong inisip kong di ko kayang ipasa ang CPA board exam, pero dahil mayroong tumulak sa’kin, sa biyaya ng Dios, nakapasa ako! Pero hindi naging ganun kadaling dumating yun sa’kin,ang dami kong tanong sa sarili ko; Hanggang kailan nga ba dapat sumubok? Kailan mo malalaman kung ang isang pagkakataon ay hindi…


Naaalala ko tuloy yung panahong inisip kong di ko kayang ipasa ang CPA board exam, pero dahil mayroong tumulak sa’kin, sa biyaya ng Dios, nakapasa ako!

Pero hindi naging ganun kadaling dumating yun sa’kin,ang dami kong tanong sa sarili ko;

Hanggang kailan nga ba dapat sumubok? Kailan mo malalaman kung ang isang pagkakataon ay hindi naman talaga para sa iyo?

Ilang beses akong sumubok na magtake ng CPA board exam.Sa ilang beses na ‘yun, ilang beses din akong nagfail, ilang beses din akong nasaktan.Maraminarin nagsasabi sa’kin;

“marami ng gastos ang review mo”

“baka hindi para sayo”

“baka hindi kalooban ni Lord”

“kung di ukol, di bubukol”,

“wag mong yakapin ang punong napakalaki”

“malapit nga grades mo, bagsak ka parin”

Masakit ang mga yun dahilsinabi sa akin yun ilang araw palang nung lumabas ang resulta ng exam na ako’y bagsak.

Dumating narin sa puntong nagduda nako sa sarili ko. “Nakakahiya na!” ang sabi ko sa sarili ko.Ako ang taong di naman nag-eexcel sa klase at sa tingin ko pa nga, ako ang pinaka least sa klase namin, baka nga diko kayang ipasa ang exam na ‘yun.

“Ayoko na!”

Pero unti-unti akong tinutulak ng mga sitwasyon;

Una, Sinabihan kaming magkakapatid ng tatay ko na mag-exam kami sa Civil Service-Professional level. Pumayag ako, pero nag-pray ako, sabi ko “Lord, pagpumasa  ako dito, ibig sabihin kalooban mong pumasa din ako sa CPA board exam. At purihin ang Dios nakapasa kami.

Pangalawa, nagkasakit ang dalawang anak ko ng sabay sa loob ng tatlong sunud-sunod na buwan. Grabe! Nagtatrabaho ako pero wala akong ipon, ang sahod ko at sahod ng asawa ko ay sakto lang sa araw-araw naming gastusin. Wala akong magawang paraan kundi ang mangutang, binabayaran pa langang kasalukuyang utang, eto na naman ang mga anak ko, maysakit na naman sila. Umabot sa punto na umiiyak na lang kaming mag-asawa habang tinitingnan naming ang dalawang bata, di man lang namin magawang mapatingnan sila sa doctor.“Di pwede ang ganito!kelangan kong gumawa ng paraan, kelangan kong lumaki ang sahod ko, pero paano?”…sabi ko sa sarili ko.

Pangatlo, Kinausap ako ng kapatid ko, na kelangan ko ng magresign sa work ko at panahon na para humanap ng work sa government. Natatakot ako nung una, kasi matanda nako, paano kung wala kong makitang work, kawawa naman pamilya ko. Nag-pray ako nun, ang sabi ko tulungan akong makapasa sa CPA board exam kasi kako “di ako magkakaroon ng work pag di ako magiging CPA kasi matanda narin ako”.

Nag-fulltime review muna ko bago naghanap ng work. Pero bagsak na naman ako!,pano ko magkakawork? pero namangha ako, kasi nagkaroon ako ng work sa gobyerno pa at meron pang “item” kahit hindi ako nakapasa. God is good!Natanggap ako as clerk.

Ang nagpasaya sakin ng sobra, nang makita ko ang rating ng exam ko, sobrang lapit sa passing grade.Pero hindi parin ibinigay kaagad sa akin. Peroeventually nakapasa din ako! At ang maganda dun, pumasa ako sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.

Sobrang saya ko!, God is good talaga!, kungdi ako tinulak ng tatay kong mag-exam sa civil service at kung di ako tinulak ng kapatid ko na magresign sa dati kong work, sana di ako matatanggap sa gobyerno at di sana mabubuhay ulit ang kagustuhan kong maging CPA.

God is good!, kungdi dahil natulak ako ng sitwasyon nung nagkasakit ang mga anak ko.Naging mas maalab ang kagustuhan kong pumasa ngayon.

God is good! Kasi hindi ako pumasa kaagad kasi merong mas magandang plano ang Dios sakin at darating ang pagpasa ko sa board exam sa tamang panahon at tamang pagkakataon.

Subok lang ng subok hanggat makamit mo ang pinapangarap mo. Hanggat ang imposible ay maging posible.Hanggat ma-realize mo na ang bawat sitwasyon ay magkakalakip na nangyayari dahil “God is good talaga”mas maganda ang plano Nya.

By: Jhonalyn Yabut | Admin Aide IV | Bataan National High School | Balanga, Bataan