Mga Istratehiyang Magagamit ng Guro

                Bilang isang guro ng Araling Panlipunan sa mataas na paaralan matagal-tagal na ring panahon, ay pinag-uukulan ko ng matinding oras sa pagsasaliksik ng mga dulog at istratehiya upang magamit sa pagtutururo at upang lalo pang madagdagan ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ng araling panlipunan.…


                Bilang isang guro ng Araling Panlipunan sa mataas na paaralan matagal-tagal na ring panahon, ay pinag-uukulan ko ng matinding oras sa pagsasaliksik ng mga dulog at istratehiya upang magamit sa pagtutururo at upang lalo pang madagdagan ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ng araling panlipunan.

               Ilan sa mga istratehiyang nasaliksik ko ay ang mga sumusunod:

  • Thematic Moment- ang istratehiyang ito ay tinawag na thematic moment sapagkat ang mga gagamiting paraphernalia ay batay sa tema ng diskusyon o paksa na tatalakayin. Tinatawag din itong Room Ambiencesapagkat igagayak ang silid aralan depende sa paksa. Halimbawa: kung ang paksa ay tungkol sa Pagpirma sa Surrender ng mga Amerikano at Pilipino noong World War II. Upang lalo pang mapalutang ang paksa ay pagsusuutin ng uniporme ng sundalong Amerikano at Hapon ang ilang estudyante at may mga dalang bayoneta.

Mga Dayalogong Pang Komiks

      Ang komiks na may mga dayalog balloons ay nakapaskel sa pisara. Ang mga balloons na walang dayalog ay lalagyan ng mag-aaral depende sa paksa.

  • LTP Puzzle

Ang L ay para sa Lugar, ang T ay para sa Tao at ang P para sa mga Pangyayari. Halimbawa:Gugupitin ang isang lugar, paghahalu-haluin ang mga ginupit at bububuin at huhulaan kung anong lugar ito.

  • Interactive Story Telling Isang dugtungang pagkukuwento ng buong klase . Halimbawa: Ikukuwento ang Death March sa dugtungang paraan.
  • Ang Tourist Guide Magtatalaga ng isang Facilitator sa paglalarawan ng isang lugar. Bawat lugar na banggitin ay pinapaskel o idinidikit, hanggang sa malaganapan na lugar na tatalakayin. Halimbawa: Ang Mt. Samat sa Bataan.
  • Toss Info.  Ang guro ay maghahagis ng mga bagay na may mga bagay na nakadikit. Sinuman ang makasalo ay babasahin ang nakadikit na paksa at ipaliliwanag.Maaaring idikit sa plastic na bolang maliit,sa bridal bouquet at sa papel na eroplano ang mga tanong.

                                    Marami pang mga istratehiyang maaaring gamitin hindi lamang

                    Para sa Araling Panlipunan. Ang mga ito ay pwede rin sa  iba pang   asignatura.

                       Sanggunian: A.Saldajeno Jr. (2005) SPONGES (Spontaneous Problem Posing Strategies)

By: MRS. MARICAR R. TALAGA | Teacher II | SAMAL NATIONAL HIGH SCHOOL | Samal, Bataan