Pag “Exhale” ng CO2
Gusto naming ang “carbon dioxide” (CO2) na iyong inilalabas lalo na kapag pagod na pagod ka galing sa pag-eehersisyo o anumang gawaing nakakapagod. Mas maraming CO2, mas lalo ka naming paliligiran.
Amoy ng Alak
Madali rin naming malalaman kapag ikaw ay uminom na alak dahil nagbabago ang iyong “skin chemistry”. Sumusingaw ang amoy na ito sa iyong balat kaya nagiging “attractive” ka sa amin.
MAG-INGAT SA MGA BABAE
Ang mga lalaking lamok ay hindi sumisipsip ng dugo ng tao kundi kinukuha nila ang kanilang nutrisyon sa nectar ng mga halaman. Ang mga babaeng lamok ay nangangailangan ng dugo ng tao upang sila ay makapangitlog. Pagkatapos nilang sumipsip, kaya nilang mangitlog ng 400 na itlog.
BUNTIS
Ang buntis ay madali rin naming mahagilap dahil mas marami silang inilalabas na CO2 at ang kanilang katawan ay medyo mas mataas ang temperatura kaysa sa mag hindi nagdadalang tao.
HINDI MALILIKOT
Sa mga pagtitipon na kung saan maraming naglalabas ng CO2, mas madaling biktimahin ang mga tao na nasa gilid at tahimik lamang kumpara sa mga taong nasa gitna na panay gumagalaw.
PAANG NANGANGAMOY
Hindi ko rin maintindihan pero nakaka turn-on sa amin ang mabahong medyas kaya pinupuntahan naming ang mga ito. Pero sa lahat ng parte ng katawan, paborito namain ang kamay.
MADAMONG PALIGID
Mas gusto naming mamasyal at manirahan sa mga madadamong paligid kaysa sa mga lugar na walang “stagnant” na tubig, malilinis at palaging pinuputulan ng damo.
WALANG REPELLENT AT LEMON EUCAPYPTUS
Ayaw naming sa mga repellant na nakakaharang sa paghanap nami ng biktima at hindi rin naming matiis ang amoy ng lemon eucalyptus. Kung hindi kayo naglalagay nito sa katawan niyo, humanda kayo sa amin!
Source: Reader’s Digest, December 2013 Edition
By: Beverly Porlante, Teacher II | BNHS | Balanga, Bataan