Masarap mag karoon ng kamag-anak sa ibang bansa. Lalo na sa tuwing magpapadala sila ng bagong damit, sapatos, pabango,tsokolate at syempre pera. Para nga sa ilan ito na siguro ang isa sa mabisang paraan upang makaangat at makatakas sa kahirapan. Kung titingnan nga naman kasi tila isang malaking pinto ng pagbabago at oportunidad ang naghhintay sa ating mga Pilipino sa ibang bansa.
Ngunit hindi lamang sa pamilya may malaking ambag ang mga OFW o ang mga Overseas Filipino Workerts pati na rin saating ekonomiya. Sa pamamagitan ng kanilang paggawa o pagtatrabaho sa ibang bansa nakakatulong sila sa magpasok ng dolyar sa ating bansa.
Madalas nating marinig na ang mga OFWs ang mga modernong bayani. Tulad ni Rizal, Bonofacio at iba pang mga nasa aklat pangkasaysayan. Nagpapaka-martir sila maibigay lamang ang magandang buhay para sa kanilang pamilya. Tinitiis ang hirap, pagod at pangungulila kapalit ng pangako ng magandang buhay.
Nguni’t hindi lahat ng nangingibang bayan upang magtrabaho ai dinadapuan ng swerte.
Kamakailan lamang nagingmaingay at laman ng mga balita amg pangalan n gating kababayan na si Mary Jane Veloso. Nakatakda kasi siyang bitayin sa kasong pagpupuslit ng droga. Huminto ang mundo ng mga Pilipino sa mga oras na iyon. Kasabay ng dalawang anakniVeloso na tumangis ang mga Pilpino at ang buong Plipinas. Sa pagkakataong iyon, nagging buo tayong mga Pilipino. Inuusal ang iisang panalangin hindi para sa sarili nguni’t para sa ating kababayan. At hidi tato nabigo, lahat ay nagsaya nang ibalitang pansamantalang ipinagpaliban ang pagbitay sa kanya.
Si Mary Jane Velosa ang mukha ng Pilipinas sa modernong panahon. Naghihirap at umaasa sa biyayang ambon na dala ng ibang bayan. Kapalit ng mga sapatos, laruan,matatamis na tsokolate at pangako ng pagbabago ay ang buhay na lailanma’y hindi matutumbasan.
Bukod sa paghingi ng ia’t-ibang material na bagay, minsan nab a nating natanong kung kumusta ang mga kamag-anak nating nasa ibangbansa? Alam ba natin kung ilang almusal,tanghalian o hapunan ang hindi nila kinain para lamang mabili ang mga bagay na hiningi natin sa kanila? Naiisip ba natin kung ayos ba silang nakakatulog tuwing gabi o mga luha ng pangungulila ang humuhele sa kanilang pag-idlip?
Sana alam natin ang istorya sa bawat bagay na kanilang pinagsusumikapang ibigay sa atin. Sana alam natin kung paano suklian ang mga sakripisyoat paghihirap na dinaranas nla sa ibang bayan.
Hindi nila kailangan ang anumang rebulto o maging ang tawaging bagong bayani. Mas kailangan nila at siguradong hinahanap nila ang pagmamahal at pag-aaruga mula sa atin. Mga bagay na hindi kayang tumbasan ng mga tsokolate gaano man ito katamis.
By: Mrs. Catherine Dinglasan | Teacher II | Emilio C. Bernabe National High School | Bagac, Bataan