Mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay, ito ang katotohanang ating makikita sa ating bansa.
Mga magulang na nagpapakahirap sa ibang bansa upang maitaguyod ang kani-kanilang mga pamilya na naiwan dito sa ating bansa. Karamihan sa kanila ay nagiging biktima pa ng iba’t ibang mga karahasan na matatamo nila sa kanilang mga amo. Mga dayuhan na tingin sa atin ay mga busabos at mga bayaring babae na walang karapatang maging tao. Kamakailan lamang may isang Pinay na ibinalita sa Channel 7 na pinahirapan at pinatay at ito ay isinilid pa sa freezer,( 2018) Noong nakaraong dekada si Flor Contemplacion binitay (1998) dahil sa isang kremin ibinintang sa kanya. Malinaw ring makikita maging ng mga OFW sa ibang bansang naaabuso o napagsasamantalahan ng mga amo , dahil sa kakulangan ng batas na magproprotekta sa kanila roon at tapang na maipagtanggol ang kanilang karapatan. Paano nga ba natin masusulusyunan ang mga ganitong krimen na kinasasangkutan ng ating mga kababayan? Ano ang nagiging buhay ng kanilang mga pamilya? Yung iba hindi man makaranas ng pagmamalupit sa kanilang amo , sa iniwang pamilya naman sila minamaltrato ng kani-kanilang mga anak . Ipinamumukha ang kanilang mga pagkukulang bilang magulang sa kanila , bilang patunay , ang kwento ni Vilma Santos at Claudine Barreto na Anak na ipinalabas ng Star Cinema Produksyons .ipinakita rito ang kaawa –awang kalagayan ng ating mga manggagawang pinoy. Masasabing napapanahon dahil karaniwan na sa ating lipunan sa kasalukuyan na ang babae ang o nanay ang nagtatrabaho habang ang ama ang naiiwan sa kanilang mga anak. Nagiging dahilan ito upang lumayo ang loob ng mga anak sa ina. Pagbabago ng pananaw ng mga anak na ang ama lang nila ang mabuti dahil hindi sila nito iniwan, Pagkakaroon ng mga kabataang lulong sa ipinagbabawal na gamot at maagang pag-aasawa ng mga kabataan.Diba himbis na maging positibo ang pananaw ng mga naiwan dito sa Pilipinas . Sila pa ang numero unong nagpapahirap sa kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa. Lalo sa takbo ng mga kabataan sa ngayon…iyong mapapansin na ang mga sangkot sa krimen ay iyong mga kabataang nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang, sila iyong mga nasa pangangalaga ng mga lolo at lola o kaya ay sa mga tiyuhin o tiyahin .Himbis na suklian nila ng ibayung pagmamahal ang pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang ito pa ang dadatnan ng kanilang magulang “ ang mapait na katutuhanang nakapag-ambag ka nga ng dolyares sa Pilipinas ang sukli ay ang kapariwaraan ng kani-kanilang Pamilya”.Kailan nga ba tayo makakaangat sa buhay upang ang ating mga kapatid na mga OFW ay hindi na mawalay pa sa kani-kanilang pamilya.Kaya mga kabataan sa Ngayon at Bukas ang Tamang Kasagutan ay !
Tamang EDUKASYON sa bawat Pilipino . Dahil kung ikaw ay makakatapos at magiging propesyunal hindi mo mararanasan ang magpaalila sa ibang bansa.EDUKASYON ang Susi sa lahat ng Hirap at sakit!
Edukasyon!
Sangunian:
Aileen Baisa- Julia et al……Phoenix Publishing house 2015
Sariling Obserbasyon ni :
EDIESA P.MENDOZA @2019 Teacher II Bataan National High School
By: Ediesa P. Mendoza | Teacher II Bataan National High School | Balanga, Bataan