ORASAN

Sa lugar na nakakasulasok ang amo’y dahil sa buga ng mga pabrika sa mabahong estero ninyo matatagpuan ang aming tahanan. Sarkastikong paglalarawan ni Juanito ang kanilang tahanan sa kanyang mga kaklaseng nagtatanong kung saan ang kanilang tahanan.Bagkus alam nga nilang ito’y mahirap lamang . Lalo pa nilang tinatanong ito upang mainis. Habang ang mga kaklase…


Sa lugar na nakakasulasok ang amo’y dahil sa buga ng mga pabrika sa mabahong estero ninyo matatagpuan ang aming tahanan. Sarkastikong paglalarawan ni Juanito ang kanilang tahanan sa kanyang mga kaklaseng nagtatanong kung saan ang kanilang tahanan.Bagkus alam nga nilang ito’y mahirap lamang . Lalo pa nilang tinatanong ito upang mainis. Habang ang mga kaklase ay sabay ang mga hagikhikan sa kanyang lintanya. Ngunit aniya ni Juanito gayunpaman ang aking ama’t ina ay pinipilit na itaguyod kami sa kahirapan. Sabay – sabay kaming kumakain sa iisang hapag at nagdadarasal upang pasalamatan ang poong may kapal. Mailalarawan ko na ang aming pamilya ay nakatira sa nakakasukang kapaligiran sa pinagtagpi-tagping retaso ng mga nakakalakal ng aking ama’t – ina. Oo tama nga kayo wala ako ng mga bagay na kinalakihan ninyo magagandang kagamitan at magarbong tahanan. Biglang nanahimik ang mga kaklaseng mapangutiya kay juanito at lumakad na papalayo. Hindi niya napigilan ang maiyak sa sama ng loob ng kanyang sinapit. Nag-aaral Si Juanito sa mababang paaralan ng Maynila nasa ikasampung baitang  at nakabilang sa pinakamataas na klase sa na tinatawag na Special Science Class. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang matulongan ang kaniyang ama’t ina at huminto na ang mga ito sa pangangalakal ng basura. Pag-aralin ang kaniyang mga kapatid na nakakabata sakanya. Habang papauwi na sa kanilang tahanan nasipat niya sa malayong dako ang kanyang kapatid na Si Rezon na papunta sa dike may dala-dalang pamingwit at timba. Naisip na lamang sa kanyang sarili kung paano niya matutupad ang lahat ng mga pangarap.Awang-awa sa kanyang kapatid na Si Rezon dahil ito ay natigil sa pag-aaral dahil nais munang makatulong sa kanilang pamilya. Paano niya matutupad maging isang mangagamot. Saan siya kukuha ng panustos sa kanyang pag-aaral. Paano? Paano?Paano? Nilapag niya ang mga dalahin niyang kagamitan sa makipot at marupok nilang upoan. At napansin ng kaniyang ina ang kalungkotan sa kanyang mga mata. Tinanong ng ina kung ayos lang ang anak at kung ano ang problema. Inanyayahan ang anak na kumain dahil may nakuhang bahaw sa isang karinderia sa palengke.At nagkwento ang ina tungkol sa mga nakuhang bakal at piraso ng mga bote na naibenta.Tuwang tuwa ito pinakita kay Juanito ang napagbentahang kalakal. Inakap ni Juanito ang kaniyang ina ng mahigpit at hindi napigilang mapaluha. Nagtataka ang ina sa nangyayari sa kanyang anak. Sambit ng ina sa kanyang anak na wala ito maibibigay o mapapamanang kayamanan.Humihingi rin ito ng kapatawaran sa anak. Nangako si Juanito sa kaniyang ina na mag-aaral ng mabuti at tutuparin ang mga pangarap. At lumipas ang mga araw napapansin ni Juanito na ang kaniyang ina ay namumutla at tinanong ito kung ito ba ay ayos lamang.Bigla na lamang ito  napatigil  sa pagaayos ng mga napulot na mga gamit mula sa pangangalakal. Dahil sa sobrang hilo ito ay bigla na lamang mahimatay. At dali-daling dinala sa Ospital   

By: Ethelrine A. Villa | Teacher II | BNHS | Balanga, Bataan