Pagpapanday sa Komunikasyon gamitang Wikang Filipino

Ang asignatura at wikang Filipino ay daan upang mahasa at mapanday ang bawat kabataan sa tamang pakikipagtalastasan o komunikasyon. Sa dahilang ito ang ating pambansangwika, dapat lang natin bigyang-pansin ang mga paraan sa pagpapaday ng komunikasyon gamit angwikang Filipino.             Isaisip at isapuso ang pagmamahal sa wika.Turuan natin ang bawat mag-aaral na mahalin ang wikang…


Ang asignatura at wikang Filipino ay daan upang mahasa at mapanday ang bawat kabataan sa tamang pakikipagtalastasan o komunikasyon. Sa dahilang ito ang ating pambansangwika, dapat lang natin bigyang-pansin ang mga paraan sa pagpapaday ng komunikasyon gamit angwikang Filipino.

            Isaisip at isapuso ang pagmamahal sa wika.Turuan natin ang bawat mag-aaral na mahalin ang wikang Filipino saka dahilanang ito ang ating pambansangwika.Ikintal natin sa ating mga sarili ang kahalagahan nito sa ating pagkatao bilang isa mamamayan ng Pilipinassaatingkomunikasyon.

            Gamitinito nang wasto.Ang pagbigkas at pagsulat ng wikang Filipino sa wastong paraan ay nararapat lang nating sundin. Mas magandang basahin at mas masarap pakinggan kung angwika ay tama. Di ito dapat gawing katatawanan at ibahin ang anyo. Mas magiging mabisa ang komunikasyon kung wasto ang wika.

            Ipalaganap ang kagandahan sapaggamit ng wika. Angwikang Filipino ay nagsisilbing magandang palamuti na namumutawi sa labi ng bawat bumibigkas. Ipakita sa mga kabataan ang saysay nito sa kanilangbuhay.  Ang bawat isa ay makakapagpahayag ng isipan at damdamin sa pamamagitan ng wika.

            Sanayin ang bata sa paglikha ng inobasyon gamit ang wikang Filipino. May mga aklat at iba pang likhang pagsulat na maaring ipahayag sa wikang Filipino.  Mas maiintindihan at magiging mas mabisa kung ang paraan ng pagsulat at pagpaphayag ay naiintindihan. Hayaan nating maisabuhay ngbawat mag-aaral ang nasa kanilang imahinasyon sa pamamagitan ng paggamit ngwika.

            Ugaliing maging “medium” ngpakikipagtalastasanangwikang Filipino. Mas magiging maganda kung naituturo ang karaminhanng mga asignatura sawikang Filipino. Mas maiiintindihan ka ng mga nakakarami kung ikaw ay gagamit ng wikang naiintindihan ng lahat.

            Gumamit ng tamang “grammar” sawikang Filipino.Ang tamang kaanyuan ng bawat salita, parirala at pangungusap ay masmagigimg mabisa at epektibo. Ugaliing tama ang mga balangkas ng mgasalita at pangungusap upang mas maging mapagkatiwalaan sa pakikipagtalastasan.

            Pagyabungin ang pagsulat at pagsasalita gamit ang wikang Filipino.Maaaring pagyabungin ang pagsulat ng mgasanaysay, tula o kuwento at sa pagpapahayag ng talumpati sa pamamagitan ngwikang Filipino. Maskomportable ang sariling wika upang magawa amg mga ito. Pagyabunginangkomunikasyon.

            Pagyamanin ang wikang Filipino sa loob ng silid-aralan at paaralan.Bilang pangunahing lugar ng paglinang ng kaalaman nararapat lamang na gamitin sa loob ng silid-aralan at paaralan ng malimit ang wikang Filipino. Mas magiging matagumpay ang komunikasyonsaganitongparaan.

            Ang wikang Filipino ay daansa mas maunlad na pakikipagtalastasan.

Batayan:

http://filipinojournal.com/gaano-nga-ba-kahalaga-ang-tamang-paggamit-ng-wika/

By: Catherine J. Borja |Teacher I |J.C. Payumo Memorial School | Dinalupihan, Bataan