Ang oras ng pagtulog ay nagbabago habang tayo ay nagkakaedad, ito ay ayon kay Dr. Maria Melendres, Pediatric Pulmonologist at sleep specialist sa John Hopkins Childrens Center Baltimore.
Para sa Preschooler [3 hanggang 5 taong gulang] kinakailangan ng 10 hanggang 13 oras na pagtulog ayon sa National Sleep Foundation.
Ang mga batang nasa ganitong edad ay kinakailangang matulog ng masmaaga kumpara sa mga toddler, dahil hindi na sila gaanong natutulog sa hapon, ayon din kay Melendres.
Samantalang ang nasa “ school-age children “[ 6 hanggang 13 taong gulang] ay inirerekomenda ng National Sleep Foundation ang 9 hanggang 11 oras ng pagtulog sa mga school- age- children tuwing gabi.
Ito ang mga panahon na ang mga bata ay nananaginip ng masasama, gaya ng pagiging takot sa dilim, ayon kay Melendres . Ang mas batang school-age children ay may malawak na imahinasyon, aniya.
Teenager [14 hanggang 17 taong gulang] madalas mabigo ang mga teenager na sundin ang 8 hanggang 10 oras na pagtulog tuwing gabi.Sa katunayan kalahati lamang ng mga teenager ang may sapat na tulog.
Ang mga batang nasa ganitong edad ay napakaraming gawaion, gaya ng mga aktibidad sa paaralan at mga takdang aralin, dahilan upang gabihin sila sa pagtulog. At kinakailangan pa nilang gumising ng maaga para sa pagpasok sa paaralan.
Tuunan natin ng pansin ang epekto ng kakulangan ng poagtulog sa mga teenager.May epekto ba ito sa kanilang kakayahang pang-akademiko?
Ayon sa pag-aaral, ang pagpupuyat ay nakapagpapahina ng isip at memorya at kabilang ang mga kabataang estudyante sa pinakananganganib ditto.
Ang nagiging resulta nito ay pagiging mayayamutin at pagiging sobrang likot. Pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang nagkukulang iminumungkahing walong oras na pagtulog gabi-gabi [ Globe and Mail 2002].
Bagaman ang istilo ng kanilang buhay ay madalas na umaagaw sa panahong dapat sanang itulog ng mga kabataan, maaaring may ilan sa kanila ang di pa natutuklasang karamdsaman tulad ng sleep apnea.
Paano ang wastong pamamahala ng oras upang magkaroon ng sapat na oras na pagtulog ng mga mag-aaral, dapat ay mayroon silang walo hanggang sampung oras na pagtulog , ngunit hirap ang mga kabataang matutuhan ito.[Nurture SG Committee ,2017].
Ang kasanayan sa maayos na pagtulog ay nagmumula sa mga magulang bago pa man magkaroon ng edukasyon ang mga anak ayon kay Luan[2017].Ang paglilinang sa pagkakaroon ng mabuting kasanayan ay dapat magsimula bago pa man sila ipanganak. Dapat silang maging handa at magkaroon ng kasanayan .
Ngunit sa dami ng pinagkakaabalahanan ng mga kabataan sa kasalukuyan , lumalabas na marami sa kanilang oras ay nakukuha sa paggamit ng mga ito, at nagreresulta ng mababang perpormans sa pag-aaral.
Kaya napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang upang masubaybayan ang kanilang mga anak sa wastong pagtulog ng mga ito.
Maaaring para sa ibang tao ang pagtulog ay pagsasayng lamang ng oras dahil mas gusto nila ang magtrabaho, mag-aral, o magsaya .Samakatwid, mas gusto nilang manatiling gising kaysa matulog. Ngunit sa katunayan, ang pagtulog ay isang pangangailangan n gating katawan upang makamit ang magandang resulta sa isang gawain dala ng maayos na pag-iisip.
At upang makamit ang katagumpayan sa pang-akademikong kakayahan ang pinakamahalagang susi ay ang pagkakaroon ng magandang kalusugan.
Pinaghanguan:
[Http://wol.j.w.org.2003}
American Sleep Association,2017
Melendres, M. National Sleep Foundation [Live Science. Com]
Globe and Mail ,2002
Gideons Lacson Md at Kalusugan ,2014-2015
By: Juvilyn V. Caber | T-I | Orani National High School | Orani, Bataan