Pagtulong sa mga Mag-aaral upang lalo pang makilala ang kanilang Sarili

            Kung ikaw ay isang guro sa mataas na paaralan,at ikaw ay mapagmasid sa iba’t-ibang kilos ng mga mag-aaral,mapapansin mo na ang mga mag-aaral sa ika-7 baitang (Grade 7) ay mahilig pa sa paglalaro na nagpapatuloy hanggang sa ika-8 antas at nagkakaroon lamang ng unti-unting pagbabago sa karamihan ng mga…


            Kung ikaw ay isang guro sa mataas na paaralan,at ikaw ay mapagmasid sa iba’t-ibang kilos ng mga mag-aaral,mapapansin mo na ang mga mag-aaral sa ika-7 baitang (Grade 7) ay mahilig pa sa paglalaro na nagpapatuloy hanggang sa ika-8 antas at nagkakaroon lamang ng unti-unting pagbabago sa karamihan ng mga mag-aaral sa pagpasok ng kanilang ika-9 hanggang ika-10 baitang(Grade 10) ng pag-aaral.

            Ito ang panahon na sila ay nagtatanong,”Sino ba Ako?”Nagkakaroon sila ng maraming katanungan at kalituhan tungkol sa kanilang sariling pagkatao.Mahalagang matulungan natin ang ating mga mag-aaral na makilala nilang lubusan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng “Self-Reflection”o “Pagninilay sa Sarili”.

            Ipaalala natin na dapat nilang sanayin ang kanilang mga sarili na magkaroon ng repleksyon o pagninilay habang nakikiramdam o nagmamasid sa kanilang sarili,pagkatapos ay “lumayo naman sa kanilang sarili”habang minamasdan naman ang kanilang kilos.Ang paggawa nito ng madalas ay nagbibigay-daan upang malaman ng isang mag-aaral ang tamang pagkilos sa iba’t-ibang sitwasyon,kung paano niya haharapin ang mga sitwasyon at kung paano niya mapanghahawakan ang kanyang emosyon.

            Pagkatapos ng pagkilala ng mga kabataan sa kani-kanilang sarili ay matutuklasan nila ang kanilang kalakasan at kahinaan na mahalagang saligan sa kanilang pagdedesisyon.Isa din itong paraan upang mabawasan ang mga iba’t-ibang suliranin na may kinalaman sa pag-aaral,pamilya o mga kaibigan.

                        

By: Gemma V. Sale | T-II | MARIVELES NATIONAL HIGH SCHOOL-CABCABEN