PAPEL AT LAPIS

              Estudyante. Ito ang tawag sa mga taong nag-aaral. Ngunit, hindi naman lahat ng mga ito ay pumapasok at nag-aaral talaga. Nariyan ang nagka-cutting classes ang iba, naninigarilyo, tumatambay, at humihithit ng ipinagbabawal na gamot. Sa panahon ngayon, estudyante pa nga ba ang dapat na itawag sa kanila? Marahil oo,…


 

            Estudyante. Ito ang tawag sa mga taong nag-aaral. Ngunit, hindi naman lahat ng mga ito ay pumapasok at nag-aaral talaga. Nariyan ang nagka-cutting classes ang iba, naninigarilyo, tumatambay, at humihithit ng ipinagbabawal na gamot. Sa panahon ngayon, estudyante pa nga ba ang dapat na itawag sa kanila? Marahil oo, ngunit sa panlabas lamang na anyo. Marahil hindi, dahil pumapasok naman sila. Hindi lang talaga nag-aaral ang mga ito pero sa tingin ko, sa paningin ko lang naman, isa ako sa kanila. Ngunit hindi naman ganun kalala na umaabot hanggang sa pag-inom ng drugs. Nariyan ang hindi ako gumagawa ng mga proyekto, nangongopya ng mga assignment pati sa mga quiz, at nandaraya. Marahil naninibago ako sa highschool dahil mas mahirap na ang mga subjects na itinuturo. Pero tiis- tiis din pag may time para naman makaabot ako hanggang college. Pero bago pa yan, kailangan ko munang baguhin ang mga nakasanayan kong gawin at matutong tumayo sa sariling mga paa. Kaya naman sa tuwing papasok ako sa eskwelahan, iniisip ko kung anong anong matututuhan ko. Sana maintindihan ko yung mga tinuturo. Kaya sana kapag nabasa niyo ito, hiling ko lang sa mga guro na magturo ng maayos (maayos naman talaga, ako lang yung slow) Wala naman akong masyadong problema sa mga guro, yung mga project lang na ipinapagawa, mga sasauluhin at mga quizzes lang talaga yung ipinoproblema ko. Kaya yan.  Yan lang yun. Share ko lang sa inyo. THE END!

 

By: Lea M. Antalan | Master Teacher II | Limay National High School | Limay, Bataan