PARA-PARAAN

Dumaan na naman ang araw. Lunes na naman… magulo… maingay… umaga pa lang amoy uwian na ang mga bata. Hay nakakapagod! Paulit-ulit lang! “Hoy! Ang aga-aga dumadaldal ka na at nangongopya ka pa!” sabi ni Mrs. Cruz. “Hindi po mam tinatanong ko lang po ang oras.” sagot ni Lira. “Absent ka na naman Paul! Sa…


Dumaan na naman ang araw. Lunes na naman… magulo… maingay… umaga pa lang amoy uwian na ang mga bata. Hay nakakapagod! Paulit-ulit lang!

“Hoy! Ang aga-aga dumadaldal ka na at nangongopya ka pa!” sabi ni Mrs. Cruz.

“Hindi po mam tinatanong ko lang po ang oras.” sagot ni Lira.

“Absent ka na naman Paul! Sa loob ng isang linggo isang beses ka lang kung pumasok!” ani ni Ma’am

“May sakit po ako ma’am” katwiran ng bata.

Sa araw-araw ganito ang maririnig mong litanya ni Ma’am sa klase na paulit-ulit din naman ang dahilan at sagot ng bata. PARA_PARAAN nga naman.

Sampu… sampung buwang mahigit mo makakasama ang mga makukulit, madadaldal, magugulo at sari-saring amoy ng mga bata. Ngunit sa sampung buwan na iyon hindi lahat sila ay makakabisado ni Ma’am ang mga pangalan ng kanyang mga estudyante.

Siyam… Walo o Pitong bata ang makakakuha ng loob ni Ma’am. Marahil matalino, mabait at masipag sila.

Anim o Limang bata naman ang kaiinisan niya dahil sa kadaldalan, katamaran o kaya’y palaging nasa guidance.

Kung ilang bahay na ang binisita ni Ma’am para lang maisalba ang grades ng mga batang ito. Iba-iba naman ang dahilan ng mga magulang na kahit minsan ay parang hindi naman kapani-paniwala. Ika nga PARA-PARAAN.

Tatlo… tatlong beses hinabo ng aso si Mrs. Cruz  dahil sa home visitation. Daalwang beses na rin niyang naranasan ang umakyat ng bundok at hulo para lang mapuntahan ang bahay ng kanyang mga pasaway na estudyante. Isa… isang beses na ranasan na rin niyang masaksihan ang TOKHANG habang siya ay nagbabahay-bahay para sa mga batang palagiang wala sa klase niya.

Sabi kasi kailangan ang PARAAN para maipasa ang bata.

Ngunit sa paglipas ng panahon mapagtatanto mo kahit gaano ka mainis, mapagod sa ganitong klase ng mga bata mararamdaman mo katuwaan at kagaanan ng loob sa tuwing sasapit ang nalalapit na pagtatapos.

Lahat sila ay pumasa sa pagtitiyaga ni Ma’am!

Gaano man sila katamad basta si Ma’am ay masipag.

Gaano man sila pasaway basta si Ma’am ay matiyaga.

Sa gilid ng kanyang puso hindi lang ang mababait at matatalinong bata ang kanyang mamimiss kahit ang mga batang tumatak sa kanyang puso na pasaway ay kanya ring maaalala at mamimiss.

Katulad din ng panahon ang mga batang ito sila ay dadaan at PARA-PARAAN sa buhay ni Ma’am.

By: Gng. ANELLEN G. FERNANDEZ | T-I | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL | BALANGA, BATAAN