#prinsipyongpagkatutoatpagtuturo

Nagplano. Nagturo. Nasawi. Mga piling prosesong pamilyar sa mga guro. Nagplano ng aralin mula hapon sa pag-uwi hanggang mag-umaga. Ginamit ang plano upang magturo sa sistematikong pamamaraan. Sa huli, nasawi sapagkat kakaunti lang ang pumasa. Madalas ba mangyari sa inyo ang mga ito? Narito ang mga piling prinsipyo ng pagtuturo at pagkatuto na maaaring magamit…


Nagplano. Nagturo. Nasawi. Mga piling prosesong pamilyar sa mga guro. Nagplano ng aralin mula hapon sa pag-uwi hanggang mag-umaga. Ginamit ang plano upang magturo sa sistematikong pamamaraan. Sa huli, nasawi sapagkat kakaunti lang ang pumasa. Madalas ba mangyari sa inyo ang mga ito?

Narito ang mga piling prinsipyo ng pagtuturo at pagkatuto na maaaring magamit upang mas maging epektibong guro:

#Walangbest. Ang One Size Fits All ay tiyak na hindi epektibo sa pagkatuto at pagtuturo. Kung tutuusin, mayroong isang-daan at isang metodo sa pagtuturo. Nilalayon ng mga professional educational courses at mga teaching training programs na parehong malinang ang kognitibo at kasanayang dimesyon ng iba’t ibang metodolohiyang pampagtuturo. Dahil dito, kailangang maunawaan ng mga guro na walang isang metodo ang masasabing pinaka epektibo sa pagtuturo.  Ganunpaman, marami pa rin naming mga guro ang nagsusuot ng parehong pares ng sapatos sa pang-araw araw na pagtuturo.

Mahalaga ring malaman ng mga guro na may mga ibat iang istilo ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Nariyan ang teorya ng multiple intelligence, learning styles and preferences na magpapaliwanag kung paanong ang mga mag-aaral ay mahalaga dahil sa kanilang pagkakaiba.

Ang pagtukoy kung ano ang kayang matutunan ng mga mag-aaral at kung paano nila ito malalaman ay isang malaking hamon na nakaatang sa ating tungkulin bilang isang guro. Dahil dito, nararapat lamang naman na masiguro ng mga guro na angkop ang paraan ng kanyang pagtuturo sa paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral upang makatamo ng mas mataas na ROI sa edukasyon- pagkatuto ng mga mag-aaral.

#senseofequilibrium. Balanseng kurikulum ang kailangan. Isa lang naman ang adhikain ng edukasyon- ang matulungan ang bawat mag-aaral na mapagtagumpayan ang mga hamon ng daynamikong mundo. Magagawa nataing posible ang nasabing adhikaing nabanggit sa paglilinang ng isang kumpletong nilalang na may balanseng kakayang makapag-isip, magsagawa at makadama. Bilnag mga guro, lagi sana nating isuot ang CAP sa pagtuturo. Ang pagdidisenyo ng aralin ay dapat nakaankla sa C-cognitive, A-affective at P-psychomotor na dimension ng pagkatuto.

#emolearning. Masakit ang proseso ng pagkatuto. Dapat siguro malaman ng mga mag-aaral na ang mag-aral ay di biro upang maunawan nila ang natural na proseso ng pag-aaral. Walang tunay na nag-aral na hindi napagod, nabigo nasaktan at napuyat. Kaya nga dapat nating ipaunawa sa mga mag-aaral na mahirap ang tests na ating binibigay na hamon sa kanila. Ano namang hamon ang tinitiyak ng prinsipyong ito para sa mga guro? Ang disenyo ng ating plano sa pagtuturo ay inaasahang makapaglilinang ng mataas na antas ng kaalaman at kasanayan. Ang mga gawaing ating inaatang sa mga mag-aaral ay silang dapat na hahamon sa mga mag-aaral na maglaan ng ekstrang oras, sakripisyo at tiyaga. Totoo ngaang mahirap mag-aral. Kung maipapa-unawa natin ito sa ating mag-aaral, mapapahalagahan nila ang kanilang pag-aaral at nalalaman.

#ikawlamang. Ang susi ng tagumpay sa pag-aaral ay tanging nasa kamay ng mga mag-aaral. Kahit na maraming mga teorya at pag-aaral maaaring mabasa tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral, sinasabing tanging mag-aaral lang din ang may diretsong control sa kanyang pagkatuto. Gaano man ka-moderno at sopistikada ang mga kagamitang pampagtuturo at silid-aralan, kahit  na may pinakamagagaling na guro ang isang paaralan, wala pa ring maaaring magdikta sa mga mag-aaral kung sila ay matututo o hindi. Isa lang punto ang malinaw, hindi matututo ang isang mag-aaral kung wala siyang pagnanais na matuto. Ang isyu na dapat pag-usapan ay kung paano malilinang sa mga mag-aaral ang pagnanais nilang matuto? Ang mga nagsulong ng teoryang contructivism ay may makabuluhang prinsipyo na ang pagkatuto ay isang personal na pagtuklas. Gamit ang nasabing prinsipyo, ang tanging paraan upang mapahintulutan ng mga mag-aaral ang pagkatuto ay sa pamamagitan ng pagtuturo ng konsepto ng aralin na naaayon sa kanilang buhay, karanasan at pangangailangan.

#karanasan. Ang pagkatuto ay epekto ng karanasan. May kasabihan nga na “Experience is the best teacher”. Sa pamamagitan ng contrived experiences sinasabing mas magiging epektibo ang pagtuturo. Pinapaunawa lamang nito ang malalim na gampanin ng karanasan sa pagkatuto ng mag-aaral. Hayaan nating matutunan ng mag-aaral ang ating aralin gamit ang 3Ex’s: Expose, Explore at Experience. Ang mataas na paggamit ng participatory teaching methods kumpara sa paggamit ng passive teaching methodologies ay mahalagang masiguro ng mga guro upang maging mas aktibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ika nga sa kasabihan: What I hear, I forget; What I see, I remember; What I do, I undersnad and What I teach, I master.

Ilan lang ito sa napakaraming prinsipyo ng pagtuturo at pagkatuto. Nawa’y magamit nating mga guro upang mapagtagumpayan nating lahat ang ating misyon: makapaglinang ng isang matatag na lipunan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kaisipan ng mga pag-asa ng bayan, ang mga kabataan.

By: Gng. Sandee C. Olubia | Teacher III | Bataan National High School |Balanga, Bataan


Previous