PTA Meeting, May Kabuluhan Ba?

“Nanay, punta daw po kayo sa skul sabi po ni Maám may miting daw po”. Ang pangungulit ni Sophia sa kanyang ina. “Kabubukas pa lang ng klase miting na agad? Hamo’t pagkayari ko na laba ay pupunta ako”tugon ng ina.                 Ang mga magulang ay mahalagang haligi ng paaralan, sila na nakikibahagi sa Parents Teachers…


“Nanay, punta daw po kayo sa skul sabi po ni Maám may miting daw po”. Ang pangungulit ni Sophia sa kanyang ina. “Kabubukas pa lang ng klase miting na agad? Hamo’t pagkayari ko na laba ay pupunta ako”tugon ng ina.

                Ang mga magulang ay mahalagang haligi ng paaralan, sila na nakikibahagi sa Parents Teachers Association (PTA), ito ay samahan ng mga magulang at guro na nagbibigay daan sa pagtutulungan para sa iisang adhikaing mapaunlad ang pagkatuto ng mga bata.

                Ang PTA ay dapat tignan sa positibong pananaw. Ito ay daan upang malaman ng mga magulang  ang kalagayan ng kanilang anak sa loon ng paaralan sa akademiko at pakikisalamuha sa iba. Ito rin ang pagkakataong makilala ng guro ang mga magulang ng mga bata na nasa kanyang pangangalaga.

                Ayon sa pag-aaral, ang mga bata na aktibo ang mga magulang sa sa paaralan ay mas masigasig sa kanilang pag-aaral. Nagpapatunay lang ito na ang bukas na komunikasyon ng magulang at guro ay May malaking tulong sa mag-aaral.

                Ang nais ng mga magulang sa guro ng kanilang mga anak ay hindi detalye ng kanilang takdang aralin, mga proyekto at mga bayarin sa paaralan. Ang ilan namaý grade conscious. Ang iba hanap ay tsismis sa kapwa magulang. Ano man ang kanilang pakay ang guro ang nakababatid paano silang lahat pakikiharapan na tama.

Bilang guro, nais nitong makatuwang ang magulang upang mas na makilala ang mga mag-aaral, mkita at madevelop ang mga kakayahan nito. Kung ang komunikasyong ito ay tumatalakay sa kabuoang pag-babago ng bata hindi lamang sa marka nila guro, ito ay iyong tagumpay. Ginagawa mo ito hindi lamang sa ito ay iyong propesyon kundi bilang isang tao na may malasakit at pag-ibig. Ito ay isa ng napakalaking karangalan.

Kung ang mga magulang ay tinatrato ng may paggalang at respeto, iulat ang kanilang mabubuting karakter, kalakasan at kahusayan sila ay magiging masayang kabahagi ng paaralan.

                

By: Jonah L. Tamayo | Teacher II | Sabatan Elementary School | Orion, Bataan