“Sangkap sa isang matagumpay na Kinabukasan”

“Education is the basic ingredient for a sweet success.”-Anonymous.             Lahat  tayo ay gustong maging matagumpay sa buhay… Magkaroon ng magandang kinabukasan… Maayos na katayuan sa buhay… At makakamtan lamang natin ang mga iyan kung may pagsusumikap tayong tapusin ang ating pag-aaral dahil sa panahon ngayon, tanging edukasyon na lamang ang konkretong pag-asa na maaari…


“Education is the basic ingredient for a sweet success.”-Anonymous.

            Lahat  tayo ay gustong maging matagumpay sa buhay… Magkaroon ng magandang kinabukasan… Maayos na katayuan sa buhay… At makakamtan lamang natin ang mga iyan kung may pagsusumikap tayong tapusin ang ating pag-aaral dahil sa panahon ngayon, tanging edukasyon na lamang ang konkretong pag-asa na maaari nating kapitan.

            Sa panahon natin ngayon, may mga pagbabagong nagaganap at naganap na… Ikanga nila, “Walang permanente sa mundo.” Kaya kasabay ng pag-inog ng mundo at pagpapalit ng taon, nakisabay din ang sistemang edukasyon sa ating bansa. Mula sa dating Basic Education Curriculum (BEC) ay napalitan itong K to 12 Curriculum.

            Hindi nagging madali ang pagtahak tungo sa K to 12 pero ganun nga talaga, lahat ng bagay ay pinaghihirapan lalo na ang inaasam na tagumpay dahil hindi ‘yan nakukuha sa pagpikit lamang ng mga mata at muling pagdilat, sahalip, ito’y pinagpapaguran at pinagbubuhusan ng sipag at tiyaga. Ngunit higit sa lahat Edukasyon ang pinakapangunahing sangkap upang malutong masarap ang tagumpay na ating nilulunggati.

            Dugo at pawis ng ating mga magulang ang kanilang pinuhunan upang araw-araw tayong makapasok sa paaralan. Ang mga Guro naman  ay gabi-gabing napupuyat sa paghahanda ng mga ‘visual aids’ at aralin na ituturo sa atin. Iyan ay malinaw na sapat lamang na dahilan upang tayong mga estudyante ay sipaging pumasok at tapusin ang ating pag-aaral. Ngunit higit sa lahat, dapat tayong magpunyagi para sa ating sariling kapakanan dahil tayo mismo ang kusinero’t kusinerang lutuin nating tagumpay.

            Sa panahon ng natin ngayon, aminin man natin o hindi, napakahirap humanap ng trabaho lalo na’t wala kang pinanghahawakan na diploma. Kapiraso mang papel nilang ituring ngunit ang kapirasong papel na ito ang pinakamahalagang dokumento na maghahatid sa atin sa rurok ng tagumpay. Dahil sa diploma, madali nating mararating ang gusto nating marating sa buhay natin.

            “Education is the basic ingredient for a sweet success.”Tunaynaangedukasyonangpinakauna at mahalagangsangkaptungosamatamisnatagumpay at magandangbukasdahilitoangsimulanglahat. Ditonagsisimulaangkarunungannaatingsandatasamundongmapusok, pangarapnaatingmakakapitankapagnatatangaynatayongagosngpagsubok, at karanasangatingmagagamitsahabang panahon.

By: Jeanne F. Rodriquez | Teacher I | Bonifacio Camacho National High School | Abucay, Bataan