Sanhi ng Pag-unlad

  Iba’t-ibang gusali at estraktura ang makikita, dahil sa Romano’t Griyegong kultura. Kanilang kontribusyon, di masisira, h‘wag alisin sa isip, ‘di mabubura. Pinakilala ng Gresya’y demokrasya, ginamit sa Amerika at sa Asya. Ito’y nagbigay ng pantay na hustisya. Lahat ay nakinabang pati probinsya. Ang Romano nama’y mayroong dinala. Ang dahilan ng Kristyanismo ay sila. Pananampalataya’t…


 

Iba’t-ibang gusali at estraktura ang makikita,

dahil sa Romano’t Griyegong kultura.

Kanilang kontribusyon, di masisira,

h‘wag alisin sa isip, ‘di mabubura.

Pinakilala ng Gresya’y demokrasya,

ginamit sa Amerika at sa Asya.

Ito’y nagbigay ng pantay na hustisya.

Lahat ay nakinabang pati probinsya.

Ang Romano nama’y mayroong dinala.

Ang dahilan ng Kristyanismo ay sila.

Pananampalataya’t paniniwala,

sila’y sanhi kung bakit di ‘to nawala.

Laging tandaan, ang kanilang ginawa.

Dahil sa kanila, umunlad ang diwa

Ang inabot ay kasingtaas ng lawa.

Tayo’y magpasalamat ng walang sawa.

 

By: Laurince M. Pantaleon Berhen Milagrosa Del Rosario College Seminary