Masasabi nating, tayong Pilipino
Ay may natutunan sa Griyego’t Romano.
Di man nabigyang halaga ang mga ito,
Ngunit malaking epekto sa mga Asyano.
ang natutunan sa mga Griyego,
ay pagiging matalino’t disiplinado.
wais na pamamalakad ng gobyerno,
laking pasasalamat tayo’y ganito.
Ang natutunan naman sa mga Romano,
Ay ang pagiging isang relihiyoso.
Pagtitirik ng simbahang Katoliko,
pinapatibay tayo na parang bato.
Mga natutuna’y dapat isapuso.
Ito’y magiging susi sa pagbabago.
Bigyang importansya, Griyego’t Romano
Balang araw, ito ri’y magagamit mo.
By: Laurince M. Pantaleon | Berhen Milagrosa Del Rosario College Seminary