Kaysarap balikan na lugar,
Kung saan kahusayan ay nalinang,
Saksi sa mga kasiyahan,
Pati na din sa mga lungkot na nalagpasan.
Ito ang lugar na halos naging saksi sa lahat,
Sa kasiyahan at kapighatian,
Sa mga una at huling halakhak,
Na hindi mabubura kahit pumuti man ang uwak.
Nag-umpisa sa pagsulat at pagbasa,
Ginabayan lagi ng magulang at maestra,
Sinabayan ang Abakada,
Hanggang matuto at lumigaya.
Saksi ang silid aralan sa lahat ng mga bagay,
Sa bawat sulok ay may tinataglay,
Pero masakit makita ng aking balikan,
Ang aking pinagmulan nasira na nangtuluyan.
Kasabay ng pagguho at pagkasira,
Ay ang mga luha na rumaragasa,
Na hindi namalayan na sa mata ko nagmumula,
Dulot ng lungkot na sa puso ay magmumula.
By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School