SSG Elections, idinaos; Evaristo, Pinroklama bilang Pangulo

  Upang mahanap ang mga bagong leader na kakatawan sa kanilang mga kapwa UNCean, ipinakita ng mga mag-aaral ng University of Nueva Caceres-Bataan ang kanilang karapatan sa pagboto sa katitiklop lang na Supreme Student Government (SSG) Elections, Hunyo 30. Tatlong partido ang naglaban-laban upang mahalal bilang mga bagong SSG officer. Ito ang Brave, Accountable, and…


 

Upang mahanap ang mga bagong leader na kakatawan sa kanilang mga kapwa UNCean, ipinakita ng mga mag-aaral ng University of Nueva Caceres-Bataan ang kanilang karapatan sa pagboto sa katitiklop lang na Supreme Student Government (SSG) Elections, Hunyo 30.

Tatlong partido ang naglaban-laban upang mahalal bilang mga bagong SSG officer. Ito ang Brave, Accountable, and Empowered (BAE) Leaders Coalition na pinangungunahan ni Aries L. Atencio ng Grade 11-ABM 1, bilang kanilang presidential candidate; Leaders Initiating Youth Advancement for Benovelence (LIYAB) kasama si Jihrus P. Mendoza, Grade 11-STEM 1, bilang pangulo; at OVERSEERS Party kasama ang kanilang Grade 10 Presidential candidate na si Kathleene P. Evaristo.

            Dumaan sa iba’t-ibang aktibidad ang mga kandidato tulad ng kampanya (Hunyo 27) at Miting de Avance (Hunyo 28)  na nagbigay sa bawat partido na ilatag ang kanilang mga plataporma sa harap ng mga estudyante.

            Isinagawa ang botohan ng manual sa covered court na kung saan bumoto ang mga UNCean ayon sa kanilang mga grade level.

            Matapos ang kalahating araw na pagboto, pinroklama ang mga nanalo ni Bb. Chelsea Mae B. Brofar, SSG Adviser.

Nakalikom si Evarisato, OVERSEERS, ng 169 boto sapat upang talunin ang dalawa pang kandidato sa pagkapangulo. Ang iba pang miyembro ng bagong SSG ay sina Vice President Leslie B. Vergara, BAE Leaders na may 168 boto; Secretary Moira Jimyena Noriega, LIYAB Party na may 198 boto; Treasurer Alyssa Eunice Pangelinan, OVERSEERS Party na nakakuha ng  170 boto; Auditor Lynser P. Chavez, LIYAB na may 153 boto; at Public Information Officer (PIO) Michelle Valerie Bislig, BAE na nakakalap ng 153 boto.

“I am so overwhelmed… I don’t know what to say, that is a very big responsibility. Thank God!” sabi ni Evaristo matapos maproklama bilang bagong SSG President.

Kinumpleto naman nina Grade 7 Representative Charles Kong, OVERSEERS na may 34 boto; Grade 8 Representative Ivana Jae T. Bitangcol, LIYAB nakakuha ng 20 boto; Grade 9 Representative Micah Angela Malit, BAE na nanalo sa pamamagitan ng toss coin matapos makakuha ng parehas na bilang ng boto kay Jan IlyvemBelnas; Grade 10 RepresentativeCaren Enriquez, OVERSEERS na may 15 boto; at Jodel J. Soriano Jr., LIYAB na nakakuha ng 96 boto.

            Sa huli, nagging matagumpay ang ginanap na SSG Election, “Sobrangsayako kasi naging successful ang election,” ani Brofar.

 

By: Mrs. Joan V. Bailador | Filipino Major | Balanga City, Bataan