Bilog ang mundo.
“Makakasalubong ko si Bb. Dela Rosa! Paano na ? Lagot na naman ako……
Iwas marino si Carla sa guro, di man lamang siya nakagawa ng isang artikulo na pinagagawa nito sa kanya.
Gumuho ang mundo niya , di naman makatanggi, tanging tango ang itutugon pag pinagsabihan siya sa pinagagawa nito. “ Halos dalawang linggo na ang pinangako ko pero wala pa ring pumapasok sa isipan ko” sa isip ni Carla
Batid ng guro na may kakayanan ang kanyang inatasan , dahil kung hindi , hahanap ito ng iba na siyang gagawa ng artikulo.
Ipinanganak na manunulat,
Kilala sa buong mundo ang may obra maestra na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr, Jose Rizal, bata pa lang ay may patunay na siya sa kanyang tula na pinamagatang “Sa Aking mga Kababata” ,
Madali sa manunulat ang ihayag ang kanilang damdamin sa iba’t ibang paraan lamang, si Edgar Allan Poe ng bansang Amerika ay kailangan munang magpakalango sa alak bago makabuo ng isang magandang piyesa niya,
Natutuhan din naman.
Masugid na pagbasa, pag-obserba sa paligid, panonood ng telebisyon, pakikinig sa radio at pag hahanap sa internet ng kasalukuyang balita ay malaking tulong upang maging bukas sa iyong puso ,ang mga pangyayaring maaring paghugutan ng iyong isipan sa isang piyesa na iyong maisipan. Iba ang may alam!
Pinanganak na manunulat o pag-aaaralang maging manunulat ay pareho rin ang proseso, pawang pag-alam sa pangyayari sa lipunan ang sandata upang makalikha ng isang panitikan.
Malaking tulong sa mundo ng mga batang manunulat si Kuya Pots lalo na sa pagsulat ng isang lathalain, di maikakaila ang kanyang husay kaya’t kilalang kilala di lamang sa rehiyon 3 , kaya;t panay siyang nakukuhang tagapagsanay sa bawat dibisyon.
“Carla ! Kumusta na ang pinasulat ko sa iyo ? Tapos na ba ? “ ang tanong guro nang minsang silang nagkasalubong sa pasilyo. “ Hindi pa po Ma’am pasensya na “ ang nahihiyang tugon ni Carla kay Bb. Dela Rosa.
“May problem kaba sa pinagagawa ko Carla ? “
“Hindi ko po alam kung paano po sisimulan. Baka po hindi kayo magandahan “
“Halika sumunod ka sa akin”ang sabi nito kay Carla. Sa silid-aralan ay pinayapa muna ng guro ang loob ni Carla na mukhang takot sa kanya.
“Maaari mong sundin ang itinurong istilo ni Rupert Roniel Lacsamana o kilala siya sa tawag na Kuya Pots sa pagsulat ng lathalain. Basahin mong mabuti at iiwanan kita , may klase pa ko “ sabay alis ng guro sa silid –aralan.
“Ano ba yan ? iniwan naman ako ni Maam , Basahin ko lang daw .” “eh di basahin.
Paraan sa pagsulat ng Lathalain ala Rupert Laczamana
- Sa pag-isip ng pamagat , maaaring isang salita o mahabang pangungusap. Kakaiba dapat.
Halimbawa : Minsan Pinangarap kong Mangarap
Bakit Kulay Dilaw ang Ulan ?
- Magsimula sa isang Paglalarawan. Pero huwag kaagad na ipaparating o ipabatid ang iyong nais na sabihin sa mga mambabasa , unti-unti lamang .
Halimbawa: Bilog ang Mundo. Panahon mo’y darating basta’t magtiyaga lamang .
- Magbahagi ng kuwento na nais mong sabihin na naayon sa isyu ng lipunan .
Takot na takot ang mga tao, takbuhan, sigawan , kanya – kanyang sagip ng buhay, matira ang matibay sa pagsugod ng mga walang awang mga kalaban ng pamahaalaan , ang mga rebelde!
- Laging tandaan ang mga bagay na nagaganap sa tunay na buhay (facts)
- Magbigay ng pahayag ng kilalang tao . (Quotation )
Halimbawa. “ Kayo ang Boss ko “ ang sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang unang talumpati bilang pangulo.
- Gumamit ng mga sumusunod
- Pagbabalik-tanaw o mag flashback
- Matalinghagang salita o mga tayutay
- Maikling salita o minimalism
- Istilo ay Malaya. Kakaibang pormat, maikli o mahaba ay maaari .
- Huwag ibigay ang alam na alam na .
- Huwag magkuwento . Ipakita sa pamamagitan ng kakaibang twist.
- Isali ang mga mambabasa sa iyong sinusulat . Papaniwalain at kunbinsihin sila sa iyong inilalahad.
- Hamunin ang mga mambabasa na kumilos sa problema ng lipunan.
- Balikan ang ginawang panimula . Ipaliwanag kung bakit mo ginamit upang mapatunayan na ito ay may relasyon sa iyong inilahad.
“Carla, tandaan mo pag nangilabot ang mga mambabasa mo sa iyong isinulat tanda ito na maganda at nagustuhan nila ang iyong akda at kung sasali ka sa contest , bibilangin ng hurado kung ilang styles mayroon ka.”
“O ano nakatulong ba ito sa iyo ? “Palagay mo makakasulat ka na ?
“Opo Ma’am ! “ Nauna lang po ang takot sa akin . Ipapasa ko na po bukas maam , salamat po!”
Sumunod na araw….
Nagpasa si Carla ng artikulo, “ Ma’am heto na po, sana magustuhan ninyo” , may ngiti sa kanyang labi may pagmamayabang ang tingin .
Nangiti rin ang guro, sabay kamay kay Carla.
Makaraan ang ilang araw, may anunsyo ang paaralan sa mga mahuhusay na manunulat ng lathalain.
Maraming nakatingin kay Carla , may pagpupuri, nagulat , at paghanga !
Tunay na bilog ang mundo, gumugulong, nadaig niya ang mga datihang manunulat, dahil sinunod niya ang istilo ni Aydol !
SALAMAT KUYA POTS !
By: Gng. Nerissa D. De Jesus | MT-I | Bataan National High School | Balanga, Bataan