“Tunay na Tagumpay”

Ano ang pakikinabangan ng tao kahit makamtam man niya ang buong sanlibutan kung mapapahamak naman ang kaluluwa? (Mateo 16:26) Mayroon daw isang sikat na artista ang sumikat ng husto sa larangang kanyang pinili ang “pag-arte” at sa larangang ito, ibat’ibang uri ng karangalan at tagumpay ang kanyang nakamit, sa FAMAS, URIAN, MFF, at napakarami pang…


Ano ang pakikinabangan ng tao kahit makamtam

man niya ang buong sanlibutan kung

mapapahamak naman ang kaluluwa? (Mateo 16:26)

Mayroon daw isang sikat na artista ang sumikat ng husto sa larangang kanyang pinili ang “pag-arte” at sa larangang ito, ibat’ibang uri ng karangalan at tagumpay ang kanyang nakamit, sa FAMAS, URIAN, MFF, at napakarami pang awards. Sa dami ng tropeong nahakot, ipinagpagawa niya ito ng isang silid at doon inilagay at sa tuwina, binibisita niya ito at ibinubulong sa sarili “Ang galing ko talaga”.

Patuloy siyang naging tanyag ngunit sae dad na 51 nagkasakit siya at nagkakanser… ilang panahon na lamang ang sinabi ng doctor ang itatagal ng kanyang buhay.

Malungkot niyang binalikan ang kanyang buhay, sabi “isang taon” n lang ang itatagal niya sa mundo.

Naisip niya sa 20taon niya sa entablado, napakarami na niyang napatunayan pero taon-taon patuloy siyang nagnanais na makuha ang iba’t-ibang titulo. Wla siyang kasiyahan, napadala siya sa dikta  ng katanyagan. “Kanser sa buto” ang uri ng sakit na ibinigay sa kanya na sa bawat pagkirot nito ay halos ikamatay niya. “Bakit?” Dahil bas a ganitong sakit ang ibinigay niya sa napakaming tao, makamit lang ang liwanga na ayaw niyang iwan?

Nasa mga karatig na silid ang tatlo niyang anak: ang isa ay 17taon na patuloy na nalayo ang kalooban sa kanya, ilang beses ba niya itong dinala sa rehabilitation center at patuloy na itinatago sa publiko ang tunay na kalagayan nito.

Ang pangalawa niyang anak, nasa asawa niya ito na iniwan na rin siya dahil ayaw niya ng “totoong pamilya”.

Nakakalungkot na ang bagay na patuloy nating minamahal at pinahahalagahan ay ang mga bagay naming nagtutulak sa atin upang ilayo tayo sa ating mga mahal sa buhay.

Kung ating babalikan ang mga panahong lumipas nagawa at nagugol ba natin an gating panahon sa tama?

Marami tayong papel na ginagampanan sa ating buhay tulad ng pagiging ina, asawa, anak, kapatid, kaibigan at marami pang iba.

Kung tayo ay biniyayaan ng pagkakataong maging isang ina, naging mabuti ba tayo sa ating mga anak? Naakay ba natin sila sa wastong landas ng buhay? Sila ba ngayon ay naging matagumpay na tulad mo? O sarili mo lang ang gusto mong maging bida.

Kung ikaw ay pinagkalooban ng Diyos ng “katuwang” sa lahat ng bagay, itinuring mo ba siyang “asawa” sa tunay na kahulugan nito? O dahil ikaw ang “sikat”, ikaw sa tuwina ang nasusunod? Natuto ka bang making sa kanya o ikaw ng ikaw na lang ang salita ng salita hanggang sa mabingi na siya at ayaw ka na niyang pakinggan.

Kung ikaw ay naging anak, nadamayan mob a ang iyong magulang sa kanilang katandaan, o dahil kaya mong bumayad ng mag-aalaga sa kanila, sige bayad ka na lang.

Sa iyong kapwa, naging mabuti ka bang halimbawa sa kanila, o baka dahil sikat ka puro na lang maganda ang ibinalita at isinulat tungkol sa iyong pakikipagkapwa pero sa mga taong nakakasama mo sa tuwina puro kasamaan sa ugali, kilos at salita ang ipinakikita mo sa kanila.

Sa  Diyos, naibigay mo ba kay David ang para kkay David … sa bawat kislap ng iyong bituin, lumingon ka ba at nagpasalamat sa lahat ng biyayang natamo mo?

At napagtanto mo sa sarili mo, inisa-isa mo ang mga tropeong nakamit mo, inilagay mo sa kabinet at di mo pinahawakan sa lahat ito pala ngayon ay pawing palamuti na lamang. Sino pa ba ang nakakaalala sa kanya ngayong di na siya makabangon?

Tayo? Natuklasan na ba natin ang tunay na mukha ng tagumpay? Nakita mo na ba ang panlabas na ngiti nito? Ang bahaw na tunog ng palakpak ng pagsikat? – na ang naging bunga ng nakalalasing na liwanag ay kabiguan, pagkawasak ng pamilya at espirittuwal na buhay na siyang higit na malakas sa lahat.

May panahon pa tayo upang ibahin ang direksyon nito para sa tunay nitong layunin.

May tagumpay na nakalalamig, nakakabulag at nakamamatay… ngunit ang tagumpay na naaayon sa kalooban ng Diyos ay tunay na kalugod-lugod. Kung nabuhay ka para kay Cristo Hesus ito ay “Tunay na Tagumpay”.

By: Elsa Rivera Cruz Master Teacher II – Bataan National High School | Balanga, Bataan|


Previous