“YAN ANG BYENAN KO”

“YAN ANG BYENAN KO” Salat man ako sa kayamananMay byenan naman akong maaasahanSa oras ng kagipitan palagi syang nariyanTiyak na dadamay at aagapaySaan man kami dalhin ng kapalaran. Mapalad ako may Rosavilla Paz Jantoc sa buhay koNaging daan upang makilala ang pinakamamahal koMabuting kaibigan, ina, byenan at lola sa mga anak koKaya daig ko pa…


“YAN ANG BYENAN KO”

Salat man ako sa kayamanan
May byenan naman akong maaasahan
Sa oras ng kagipitan palagi syang nariyan
Tiyak na dadamay at aagapay
Saan man kami dalhin ng kapalaran.

Mapalad ako may Rosavilla Paz Jantoc sa buhay ko
Naging daan upang makilala ang pinakamamahal ko
Mabuting kaibigan, ina, byenan at lola sa mga anak ko
Kaya daig ko pa ang tumama sa lotto.

Kaya naman ngayong ika-pitumpu’t walong kaarawan mo
Dalangin ko’y humaba pa ang buhay mo
Upang marami pa ang matulungan mo,
maging biyaya ka pa sa maraming tao
Alam mo bang sobrang proud ako syo,
sa tuwina’y nasasambit ko, “yan ang BYENAN ko”.