ANG GURO SA TAONG 2016

Sa ika- 21 siglo, maraming pagbabago sa buhay ng guro. Paunlad ng paunlad ang kaalaman sa agham at teknolohiya at maunlad na rin ang sining ng pagtuturo. Ngunit bakit tila lumalabas na mahihina ang mga produkto ng ating paaralan. Kung ang pag-uusapan ay ang mga inaasahang kahihinatnan ng pagtuturo? Bakit kaya sa kabila ng malimit…


Sa ika- 21 siglo, maraming pagbabago sa buhay ng guro. Paunlad ng paunlad ang kaalaman sa agham at teknolohiya at maunlad na rin ang sining ng pagtuturo. Ngunit bakit tila lumalabas na mahihina ang mga produkto ng ating paaralan. Kung ang pag-uusapan ay ang mga inaasahang kahihinatnan ng pagtuturo? Bakit kaya sa kabila ng malimit na pagdaraos ng mga seminar at gawaing pangkapulungan ay kinapapansinan ng kahinaan ang mga mag-aaral kung ihahambing sa mga nagtapos sa elementarya nang kapanahunan ng nagdaang henerasyon?

            Dapat bigyan ng masusing pagsusuri ang katotohanang humihina at tila wala nang gaanong natututuhan ang mga mag-aaral sa salinlahing ito. Tulad halimbawa ng pagiging mahina sa pagbasa at pang-unawa at pagiging mahina sa pagkukuwenta.

            Maraming sagwil sa pag-aaral ng mga bata sa panahong ito tulad ng videokarera, facebook, DOTA, instagram, computer at paggamit ng iba’t-ibang gadget tulad ng cellphone, tablet, ipod na siyang nagnanakaw sa mahahalagang oras ng mga mag-aaral na dapat sana at magamit sa pag-aaral ng leksiyon.

            Ang dati-rati ay mataas na antas ng paggalang ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro noong araw ay unti-unti nang naglalaho, at ngayon ay wala nang kagalang-galang kung makipag-usap sa kanilang mga guro.

            Hindi rin maiaalis sa mga guro ang maging laging nag-aalala sa kanilang pamumuhay, sanhi ng napakaliit na sinasahod. Dahil dito napipilitang gamitin ang mga libreng oras upang kahit paano ay kumita ng karagdagang salaping kailangan ng kaniyang pamilya., Sa aminin man o hindi ng mga nasa pamahalaan, ang sinasahod ng mga guro sa panahong ito ay ay hindi makasapat sa pangunahing pangangailangan ng mga guro. Kung kaya’t karamihan ng mga mahuhusay na mga guro ay nagtutungo saa ibayong dagat upang doon makipagsapalaran.

            Maging anuman ang kapalarang dulot ngayong 2017  at sa susunod pang mga taon, ang mga guro pa rin ang may matapat na layunin upang hubugin ang murang kaisipan ng mga kabataan, ang mga “kabataan” na ayon kay Dr. Jose Rizal ay ang pag-asa ng bayan.

By: MA. CRISTINA B. DE LEON TEACHER I | WAWA ELEMENTARY SCHOOL | ABUCAY, BATAAN