“Ang Hiwaga ng Buhay”

Maraming katanungan sa ating buhay na patuloy na nagiging bukas na tanong ngunit kadalasan ay walang makitang sagot.             Lubhang nakapagtataka kung paanong tumataas ang tubig sa hatak ng buwan… abot tanaw ang buwan subalit hindi natin mahawakan… umiiyak ang sanggol kapag nagugutom ngunit saglit na maramdaman ang init ng Ina dagling mapapanatag.             Sa…


Maraming katanungan sa ating buhay na patuloy na nagiging bukas na tanong ngunit kadalasan ay walang makitang sagot.

            Lubhang nakapagtataka kung paanong tumataas ang tubig sa hatak ng buwan… abot tanaw ang buwan subalit hindi natin mahawakan… umiiyak ang sanggol kapag nagugutom ngunit saglit na maramdaman ang init ng Ina dagling mapapanatag.

            Sa kabila ng mga katanungang ito sa paglutas sa misteryo ng buhay patuloy parin tayo sa pag-asam na masagot ang mga tanong sa ating buhay at kadalasan sa mga tanong na ito tayo nagsisimula sa pagtuklas ng maraming bagay.

            Sa pagtuklas ng tao sa paggamit ng apoy, natuto ng maraming kaalaman ang tao, naluto ang pagkain, nabawasan ang mga sakit, unti-unti nagliwanag ang paligid, natuklasan ang elektrisidad dahil doon umunlad ang buhay ng tao., nagsimula ang teknolohiya.

            Ngunit unti-unti, ito rin ang naging daan upang masira ang mundong bigay sa atin.

            Sa makabagong panahon ng teknolohiya… ang mga guro sa kasalukuyan ay nagiging kalaban ito dahil sa pagbabago ng hilig at gawi ng mga mag-aaral sa teknolohiya. Sa kasalukuyang panahon walang bata ang hindi marunong pumindot ng Cellphone, Laptop, Computer at napakaraming gadgets na pinag-uubusan niya ng oras at panahon. Maging sa pag-uugali ay napakalaki rin ng naging epekto nito. Nariyang habang nilalaro ito, magugulat ka sa bigla nilang pagsigaw, pagmumura at pagsasabi ng masasamang salita bunga ng pagtaas ng emosyon dahil sa mga aplikasyon ng mga larong nauuso sa mga gadgets na ito. Hindi katulad ng simpleng larong uso noong panahon natin harangang batis, tumbang preso, taguan na kung saan, tawanan at sigawan ng kaligayahan lamang ang maririnig mo, pawisan ang lahat maginhawa ang katawan.

            Kadalasan rin ito ang nagiging daan ng pagkawala ng konsentrasyon sa pag-aaral, pagkapuyat at pagpasok ng huli sa klase.

            At sa kabila ng mga pagbabagong ito patuloy parin ang paghahanap ng tao ng napakaraming katanungan.

            Maging sa pag-aaral ay marami na ring pagbabago, mas gusto ng mga bata ang may hinahawakan at nililikot, may pinapanood, mabilis lahat kasing bilis din ng naiwang Fastfood, kaya ang sakit expressway din.

            Ang dati naming paboritong manila paper laptop na ngayon, kaya ang bata ayaw kumopya, ayaw ng magsulat kaya ang memorya ayaw na ring magtagal.

            Lumilipas ang panahon, sa bawat pagpapalit nito marami rin ang nababago, ngunit ang mga tanong nanatili pa ring tunog.

            Narating na ang buwan, natuklasan ang buhay dito. Nasira na ang likas na yaman dahil sa pang-aabuso ng tao pero nanatili pa ring tanong kung paano ito mapakikinabangan ng tao sa mahabang panahon.

            Marami ng gamut ang nadiskubre at pinakinabangan ng tao na naging daan upang humaba ang nilikhang buhay. Ngunit inani rin natin ang masasamang epekto nito.

            Patuloy na umiikot ang buhay, nagbabago ang maraming buhay ngunit marami pang responsibilidad ang mga tao sa mga pagbabagong ito. Kailangan ang matibay na papanalig sa Diyos at kamalayang panlipunan upang makatulong ang lahat na buuin ang mga bagay na nasira sa paghahangad na masagot ang napakaraming tanong.

            Tunay ngang malawak ang mundo, namumuksa ang mga bulkan, may darating na mga bagyo, may tanong bakit patuloy na dumidilim pag natapos ang dapitgapon, tanong bakit gumigising ka pa rin sa umaga.

            Ang tunay na mahalaga, ang mga tanong na ito ang dahilan kung bakit bahagi tayo ng mga tanong na ito.

By: Ireen T. Flores | Teacher ||| |BNHS |Balanga, Bataan