Unang hakbang sa isang munting paaralan,
May takot na pilit nilalabanan,
Sinasabi sa sarili “kaya mo yan”,
Ngunit hindi sa katotohanan.
Nawala ang takot at pangamba nang mga kaklase ay nakilala,
Ang minsang tahimik ay nahawa na,
Ng kadaldalan sa kalapit mesa at upuan,
Hanggang dumating ang kinahapunan.
Pag pasok ng maestro lahat ay nagsiayos na,
Bumati kapag-karaka ng isang magandang umaga,
Binuklat ang kwaderno at sumulat,
Ng mga tatalakayin sa hinaharap.
Napuno ng sulat ang kapirasong papel na hawak,
Mga aralin na dapat intindihin at ipalaganap,
Mawala man ang lahat,
Pero may aral na sisibat.
Naranasan lahat ng paghihirap,
Pero sabi ng magulang iyan ay bahagi ng paghihirap,
Pero ikaw naman ay nakatitiyak,
Na sa dulo ikaw ay may sarap na malalasap.
Mga nangyari kahapon ay kay sarap balikan,
Na tila ilang oras lamang ang pag-itan,
Pero ngayon ikaw ay nasa pedestal,
Kakaiba kung ikaw ay di nag-aral.
Hiling at panambitan sa isang indibidwal,
Na sana iyong paglaanan,
Mga panahon at oras ang iyong inang,
Na nangalaga sa iyo habang ikaw ay nasa eskwelahan.
By: Mr. Oliver Bactad Leonardo | Teacher 1 | Bataan National High School