Sa isang karagatan ko natanaw ang isang luntiang araw at asul na ulap. Mga nagkikinangan na buhangin sa aking mga paa ay kumakapit. Mga tuyong halamang dagat at kabibe na dala ng hampas ng karagatan sa dalampasigan. Naisip ko na maghanap ng mga palamuti na pwede gawin dekorasyon sa aming tahanan. Kaya nangolekta sa isang supot ng mga kabibeng nadadaanan. Maraming tao ang nasiyahan sa ganda ng kalikasan ang isa pa ay kumuway – kuway sa isang dayuhan nitong nakita mula sa vinta nitong sinasakyan.
Natanaw nya sa kalayuan ang isang kakilalang dayuhan. Ang vinta ay kilala rin sa mga tawag na lepa lepa o sakayan tradisyunal na Bangka na matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Ngunit dahil ang ating kultura ay naipapasa sa iba pang lugar nadala ng mga bajao , moro at tausug ang tradisyunal na sakayan na ito sa mga tagalog.May mga nakasabit dito na makukulay na banderitas . Naging kilala ito bilang isang transportasyon .
Maihahalintulad ang buhay na isang tao sa lepa lepa o vinta. Binigyan tayo ng poong lumikha ng pagkakataon kung saan direksyon nais natin tumongo. Hinayaan nya tayong lumutang sa isang karagatan suongin ang ano man hagupit o bagyo na dumating. Sa pagbaba ng layag susubukan lakbayin ang buhay. At sa bawat paglalakbay may sasakay at may bababa. Sa isang lepa lepa ng buhay. Kung matitinag o magiging matibay. May maglalaho at lulubog. Hind na maabot at matutungo ang dapat lakbayin. Dahil susuko sa malakas na hampas ng alon at lakas ng bagyo. Ngunit may lepa lepa naming magtatagumpay mula sa matinding agos ay hindi magpapatangay dahil sa tibay at lakas nitong taglay ay makakarating sa kanyang pakay.
By: Ms.Ethelrine A.Villanueva | Teacher II | Bataan National High School | Balanga City, Bataan