LESSON PLAN O DAILY LESSON LOG?

Ang ating gawain ay laging may pinagbabatayan. Gumagawa tayo alinsunod sa mga proseso o panuntunan ukol dito. Tayo ay kumikilos ayon sa itinatakda ng isang gawain gaya ng pag tayo ay nag-enrol may mga hakbang na dapat sundin. Isa pang halimbawa nito ay kapag nag pagpa-file ng lisensiya, madami ka ding susunding paraan. At ang…


Ang ating gawain ay laging may pinagbabatayan. Gumagawa tayo alinsunod sa mga proseso o panuntunan ukol dito. Tayo ay kumikilos ayon sa itinatakda ng isang gawain gaya ng pag tayo ay nag-enrol may mga hakbang na dapat sundin. Isa pang halimbawa nito ay kapag nag pagpa-file ng lisensiya, madami ka ding susunding paraan. At ang ganitong proseso ay bahagi din ng pagtuturo.

Ang bawat guro ay nagpapkita ng kahusayan sa kanilang propesyon. At ang pangunahing  gawain niya ay malinang ang aralin nang wasto at maayos. Ngunit paano niya ba ito nagagampanan? Ang kaagapay ng guro para matamo ang mahusay at maayos na pagtuturo ay ang lesson plan. Sa banghay aralin napapaloob ang layunin na dapat matamo ng guro at mag-aaral.  Ito rin ang nagbibigay ng maayos na daloy ng talakayan.  Sabi nga, ang lesson plan ang bibliya ng guro upang maging maayos at organisado ang kanyang pagtuturo. 

            Sa pagdaan ng mga taon, ang lesson plan na ginagamit ay pinaunlad.  Ito ay nirebesa upang matulungan ang mga guro.  Ito ang Daily Lesson Log o DLL.  Ang DLL ay pinaikling bersiyon ng Lesson Plan.  Nilalaman nito ang layunin, materyal, proseso ng paguturo atbp. na hindi nalalayo sa lesson plan. Ang mga gurong may dalawang taong eksperyensa o higit pa sa pagtuturo ang pinahihintulutang gumamit nito.  Ang mga bagong guro ay mananatili sa paggamit ng Lesson Plan ito man ay detailed o semi-detailed.

            Ang Daily Lesson Log ay nakatulong sa mga guro na mapadali ang paggawa niya ng gabay sa pagtuturo sapagkat ito ay maikli lamang.  Mas kaunting oras ang ginugugol sa paggawa nito kaya may dagdag na oras pa sa guro na matapos ang kaniyang ibang gawain.   Ganun pa man, nananatili ang kakayahan nito na ibigay sa guro ang direksiyon na tatahakin niya sa pagtalakay ng aralin. Maganda pa rito, nasusuri agad ng isang guro ang resulta ng kanyang ginawang pagtuturo dahil ang paglalagay ng resulta ng isang gawain o quiz ay bahagi ng DLL.

            Lesson Plan o Daily Lesson Log?.  Alin ba sa dalawa ang nararapat na gamitin?  Alinman sa dalawa, ang mahalaga ay alam mo kung ano ang gamit at tulong nito.  Dapat nasa puso at isip mo kung ano ang kaalamang nais mong maiparating sa iyong mga estudyante.  Maliban dito, dapat na makamit mo ang layunin na tinarget mo para sa isang araw na pagtuturo. At higit sa lahat, ikaw na guro ay dapat na makaramdam ng kasiyahan sa ginawa mong pagtuturo.

            

By: Jane B. Carag | Administrative Assistant II | Mariveles National High School Malaya