Sa nakalipas na 137 taon o simula pa noong 1880, na kung saan itinatala ang temperature ng mundo gamit ang makabagong teknolohiya, natukoy ng mga sientipiko ng NASA’s Goddard Institute for Space Studies (GISS) ng New York, USA na ang nakalipas na buwan (Marso) ngayong taon ay ang pangalawang pinakamainit na Marso sa kasaysayan.
Noong nakaraang buwan, ang temperature ay 1.12 degrees Celsius na mas mainit kumpara sa mean ng temperatura tuwing Marso simula 1951 hanggang 1980. Ang mga naturang anomalya ay naganap sa loon ng dalawang magkasunod na taon. Ang pinakamainit na naabot ng buwan na Marso ay naganap noong 2016 na 1.27 degrees Celesius na mas mainit.
Mga kakaibang anomaly sa temperatura sa pagitan ng taong 1880-2015
Ang buwanang pagsusuri ng temperature ng GISS ay ang pinagsama-samang datus mula sa 6,300 na mga meteorogical stations sa buong mundo, mga ship- at buoy-based instruments na kayang magsukat ng temperatura at mga research stations sa Antarctic.
Naggsimula lamang ang ganitong paglikom ng impormasyon noong 1880 na kung saan nabigyan ng kakayakan ang mga siyentipiko na makuha ang temperatura sa lahat ng bahagi ng mundo.
By: Alain T. Morales