Musmos Pa…..Kahit Bata Pa Ako…..

Sabi ni Kupido, “pag ang pag ibig pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”. Ganyan na yata ang lahat ng mga tinatamaan ni Kupido lalo na sa mga kabataan. Paano ba mapapansin ito sa mga kabataan yaong mga nawiwindang pagdating sa tibok ng puso… Minsan pag ganito ang nangyayari nawawala sa konsentrasyon…


Sabi ni Kupido, “pag ang pag ibig pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”. Ganyan na yata ang lahat ng mga tinatamaan ni Kupido lalo na sa mga kabataan.

Paano ba mapapansin ito sa mga kabataan yaong mga nawiwindang pagdating sa tibok ng puso…

Minsan pag ganito ang nangyayari nawawala sa konsentrasyon yun bang ang paligid niya ay parang laging may ulap, may “rainbow”, at pag tinawag ng guro walang maisagot. Ngunit mayroon naming kapag pinana ni Kupido ay maganda ang epekto nagiging madali at ang mabigat nagiging magaan dahil alam niyang may isang taong nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya.

Ngunit anupaman ang epekto nito dapat ito ay para sa ikabubuti at makatutulong sa pag unlad ng pagkatuto upang kahit musmos pa ay di maligaw ng landas.

Masarap sa pakiramdam na ikaw ay minamahal at nagmamahal ngunit dapat lagi ring handa sa mga kaakibat na aspeto na dapat isaalang alang lalo na kung ay wala pa sa hustong gulang.

Ang pag ibig na musmos ay isang bahagi ng buhay ng kabataan na dapat maranasan ng puso ngunit di pa dapat seryosohin sapagkat marami pang bagay ang dapat na maging prayoridad kumpara doon lalo na at nasa murang edad na nagsisimula pa lang na ito ay makapagdesisyon at bumuo ng mga bagay na kanyang nadidiskubre para sa kanyang sariling pagkakatuto.

At sa panahon ngayon ang inaakalang pag ibig ay hindi pa iyan tunay at di pa siya ang masasabing makakasama mo sa pang habang buhay dahil mangyayari at mangyayari pa rin na ikaw ay makaranas ng sugatang puso dahil nga sa ikaw ay musmos pa.

Di dapat ito madaliin dahil ang bawat nangyayari lalo na sa puso kung sadyang para sa iyo tadhana mo na ang gagawa ng paraan para kayo ay MAGTAGPO kahit ito ay MUSMOS PA……

By: JANICE M. CASTILLO | Teacher I | Mariveles National High School | Cabcaben, Mariveles, Bataan