Kasabay ng pag-unlad ng ibat-ibang bansa ay kalakip din ang pag-unlad ng Teknolihiya. Mula sa simpleng Type Writer ay naging isang Computer. Malaking tulong ang makabagong Teknolohiya lalo at patuloy ang paglago nito. Halimbawa na lamang ay sa pag-aaral ng mga mag-aaral kung dati ay gumagamit pa ng mga ensayklopedia ang mga mag-aaral upang mangalap ng mga impormasyon ngayon ay isang kisap mata lamang ay makikita mo na kaagad ang mga impormasyong iyong nais. Hindi lang sa pag-aaral at marami pang iba.
Ngunit sa kabila nito ay may masama rin itong maidudulot. Dahil habang umuunlad ang Teknolohiya ay nagiging sakim ang mga tao dahil sa pag abuso rito. Una na lamang ay ang paglago ng krimen, pang-aabuso sa kabataan at pagkasangkapan rito upang gumawa ng masama.
Huwag samantalahin ang pag-unlad ng Teknolohiya bagkus ay gamitin ng tama at sa makabuluhang paraan. Dahil mabuti man o masama ang epekto nito ay tayo pa rin ang maapektohan.
By: Jenilla Mae O. Rodrigo