TULONG SERBISYO:GINANAP SA CATANING BALANGA CITY (July- December 8, 2018)

   Ano nga ba ang mga tulong na ating magagawa  upang tayo ay makatulong sa ating kapwa? Masarap gunitain ang mga nagagawa mong tulong sa iyong kapwa lalo na at ito ay  hindi naghihintay ng anomang kapalit. Masarap sa pakiramdam na may mga lugar  tayong natutulungan lalo at higit kung ito ay para sa mga…


 

 Ano nga ba ang mga tulong na ating magagawa  upang tayo ay makatulong sa ating kapwa?

Masarap gunitain ang mga nagagawa mong tulong sa iyong kapwa lalo na at ito ay  hindi naghihintay ng anomang kapalit. Masarap sa pakiramdam na may mga lugar  tayong natutulungan lalo at higit kung ito ay para sa mga kabataan dahil ika nga ng ating bayaning si Gat Jose P. Rizal na “Ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan”.

Tuwing Huling Sabado ng Buwan ay idinadaos ng mga guro sa ikawalong antas ng Bataan National High School ang tulong serbisyo sa mga kabataan na may gulang 5-10 upang sila ay turuan ng mga ilang paalala na kung minsan dahil sa hirap ng buhay ay hindi na napagtutuonan ng pansin ng kani-kanilang mga magulang ang mga simpleng bagay tulad ng mga  sumusunod:

  1. Tamang Pagsisipilyo
  2. Tamang Paglilinis ng katawan
  3. Tamang Paliligo
  4. Tamang Paghuhugas ng kamay (bago at pagkatapos kumain)
  5. Tamang Paglilinis ng Kapaligiran
  6. Tamang Pamumupo
  7. Tamang Pagsagot kapag sila ay inaabutan ng kahit simpleng bagay.
  8. Tamang Pakikisalamuha sa Iba’t ibang uri ng mga tao. ( matanda o bata)
  9. Tamang Paraan at disiplina habang nasa hapag kainan
  10. At ang tamang oras ng pagpasok sa paaralan.

At ito ay naisagawa sa tulong ng mga masisipag na nagsipag-asikaso na sina Gng. Gisela Escudero, Gng Marites De Silva, Gng. Marites Ramirez At sampu ng mga Parent Teachers Association ng Ikawalong Antas ng Bataan National High School ng may ngiti sa labi . At ang pinakahuling aktibidad ay ang pasayahin ang mga bata sa munting salosalo na pagsisilebrate ng kaarawan ng pagsilang ng Diyos Ama. Lubos rin ang aming pasasalamat sa Butihing Kapitan na si Hon. Edilberto Turla  at sampu ng kanyang mga kagawad , mga nasa Center  na nagsipaglaan ng oras upang maisakatuparan ang nasabing programa ng matiwasay at maayos. Nawa ay masundan pa ang mga ganitong programa upang ang mga kabataan ay maging maayos ang kanilang tinatahak sa pagharap sa hamon ng buhay.

Sabi nga ‘Para sa bata, Para sa Bayan”.

Likha ni:

MENDOZA , EDIESA PAGUIO, Teacher II Bataan National High School @ 2019.

 

By: Ediesa P. Mendoza | Teacher II Bataan National High School | Balanga, Bataan